Chapter 15: Bagong Simula

2.7K 50 0
                                    

Chapter 15: Ngiti ng Isang Demonyo

DOROTHY's P.O.V.

Isang buwan na ang nagdaan matapos namatay sina George at Sir Clark. Nakakaawa si Ate Sheryll. Sabay siyang nawalan. . . Nawalan ng kaibigan at fiance. Alam kong hindi na niya kaya pang bitbitin ang lahat. Hindi na siya lumalabas ng bahay at lagi kong naririnig na umiiyak sa loob ng kanyang kwarto. Nakakaawa talaga siya. Kung may maitutulong lang sana  ako sa kanya.

Ngunit wala. Wala akong magawa kundi ang umiyak sa tabi niya upang may karamay siya sa kanyang suliranin. Malaki ang ipinayat niya  at kawawa ang batang nasa sinapupunan  niya.

Isang gabing malakas ang ulan, nagising na lang ako dahil sa malakas na sigaw ni Ate Sheryll. . . .  bumangon ako at nagtungo sa kanyang kwarto pero laking gulat ko ng pagkabukas ko ng pinto, isang duguang sanggol ang nakahiga sa tagiliran niya.

Mahimbing ang tulog ni Ate Sheryll. Mukhang napagod sa kanyang ginawa. Hindi ako makapaniwala. Naipanganak niya si Baby Louie ng mag-isa??? Imposible!

Marahan akong humakbang palapit sa kamang hinihigaan nilang mag-ina.

Walang saplot ang sanggol. Kinilabutan ako ngunit nagsitindigan ang mga balahibo ko dahil hindi humihinga ang sanggol. Walang buhay si Louie? Nakapikit siya. Parang natutulog.

Gusto kong hawakan ang bata. Binuhat ko siya gamit ang malinis na kumot na nakasampay sa isang sulok ng kwarto.

Tinitigan ko ang duguang mukha ni baby Louie. "Angcute mong matulog."

Pero hindi talaga siya humihinga. Hindi siya umiiyak. Hindi rin siya gumagalaw. Paano kung tama ang hinala ko na wala nga siyang buhay?

Hindi tumupad si Cielo sa kasunduan nila ni George. Namatay nga si George kaya dapat ay buhay si baby Louie ngayon. Pero hindi iyon natupad.

Yung kalansay nga pala ni Cielo ay nabigyan na ng disenteng libing. Kaming dalawa lang ni Ate Sheryll ang dumalo at isang pari pa pala. Ipinagdasal na rin namin ang kanyang kaluluwa na sana ay matahimik na.

Marami na ang nangyari sa buhay ni Ate Sheryll. Nakakatakot ang kwento ng buhay niya. Hindi ko lubos maunawaan kung bakit nangyari ang lahat ng iyon. Isang taon na ang lumipas matapos ang panganganak niya kay Baby Louie.

Binigyan ko ng disenteng libing ang sanggol samantalang si Ate Sheryll naman ay dinala sa isang mental hospital.

Oo, ganito ang kinahinatnan niya. Bumigay na ang kanyang utak sa dami ng balakid at problemang kanyang kinakaharap. Nawala siya sa kanyang sarili matapos malaman na pati ang kanyang kaisa-isang anak ay namatay.

Malaking misteryo pa rin sa mga otoridad ang pagkamatay ni sir Clark. Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ang dahilan ng kanyang pagkamatay. Maayos naman daw ang pag-aalagang ginawa ng mga doktor at nurse sa kanya. Wala naman daw problema sa oxygen tank at dextross na nakakabit sa kanya.

Naibalita nga yun sa TV eh. Since kilala ko Sir Clark, maraming nagtanong sa akin tungkol dun pero maski ako ay walang alam sa tunay na dahilan pero may hinuha ako na si Cielo ang may kagagawan nun.

Ako na lang mag-isa ang nakatira sa bahay nila. Wala akong kasama kaya lagi akong natatakot tuwing gabi. Hindi ko alam kung ano ang maaring mangyari sa akin habang ako'y nag-iisa. Pwedeng magpakita sa akin si Cielo pero hindi naman niya iyon ginawa.

Minsan, nakikita ko na lang ang aking sarili na nakatayo sa harap ng kwarto ni Ate Sheryll sa Mental Hospital. Kagaya ngayon, bigla na lang akong dinala ng mga paa ko sa nakapangingilabot na lugar na ito. Tanging ang maririnig ay puro ungol ng mga taong hindi matahimik ang isip. Nasa labas ako ng nakarehas niyang kwarto. Para siyang bilanggo. Bilanggo ng masamang nakaraan. Bilanggo ng magulong pag-iisip. At bilanggo ng kasawiang kailanman ay mananatili sa kanyang kaluluwa.

Nakatayo ako habang nakatingin sa kanya. Nakaupo naman siya habang nakasandal sa malambot na pader. Mahigit sampung minuto yata kaming nagkatitigan. Napansin ko na lamang na unti-unting tumulo ang luha sa kanyang mga mata.

Dahil sa habag ko, napaluha din ako. Gusto ko siyang yakapin at halikan sa pisngi. Miss ko na ang Ate Sheryll ko. Ang taong itinuring ako hindi bilang kasambahay kundi bilang  isang tunay na kaibigan.

Hindi ko kaya ang sakit ng damdamin ko. May kumurot bigla sa puso ko. Hindi ko na kaya pang tingnan siya na nagkakaganito.

Tumakbo ako palabas ng ospital, tumawid ng kalsada at umupo sa isang bench na nasa park.

Doon ko inilabas ang lahat ng nararamdaman ko. Umiyak ako nang umiyak dahil naaawa talaga ako kay Ate Sheryll.

Isang babaeng nakatayo sa tabi ng puno ng santol ang umagaw ng aking atensyon. Malayo ang agwat namin sa isa't-isa pero nakikita ko pa rin siya. Mahaba ang buhok nito at maputik ang kulay puti nitong bestida.

Marahan siyang humarap sa akin at ngumiti.

Ngiting galing sa ilalim ng lupa...

Ngiting nakakapanindig-balahibo...

At ngiti ng isang demonyo...

"AAAAAHHHHHH!!!!!!"

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon