Chapter 10: Simula Ng Ikalawang Aklat
Sheryll's P.O.V.
June 11, 2012
8:37 am
Ako si Sheryll Galvez, walong buwan na ang nagdaan nang matapos ang nangyaring trahedya sa bahay nila Cielo.
Nakakatakot isipin na sa aming magkakaibigan, ako na lang yung natira. Nakakaawa sila dahil wala sa kanilang nakaligtas mula sa bagsik ng kaluluwa ni Cielo. Hindi ko alam kung bakit ako ang natira sa amin eh. Siguro ito ang magandang plano sa akin ng kapalaran.
Ah, kung hindi ninyo naitatanong, nabuntis ako noon dahil sa nangyari sa amin ni George. Sa kasalukuyan, walong buwan ko na rin itong dinadala. Kaso, ang pinoproblema ko ay kung paano ko ipaliliwanag sa bata ang naging kinahinatnan ng kanyang ama. Namatay kasi si George sa sunog noon sa bahay ni Cielo eh.
Pero sa kabila nito, naging masaya naman ako at nakahanap ako ng lalaking iibig sa akin. Natatandaan niyo pa ba yung binatang Taxi driver noong gabing maganap ang sunog? Boyfriend ko siya ngayon at nagmamahalan kami. Sinabi nya sa akin na papanagutan daw niya ang anak namin ni George na si baby Louie.
Clark Kennedy Buenaventura yung buong pangalan niya. Kaedad ko lang siya. 24 years old. Kaedad din ni George ngayon. Dalawang Taon ang pagitan namin. 22 years old na ako. Angganda nga ng eandearment namin eh. 'Babe' ang tawag niya sa akin at 'Honey' naman yung tawag ko sa kanya.
By the way, narito pala ako ngayon sa sementeryo para dalawin yung puntod nila George, Wilson, Alex, Troy at Janine. Kung nasaan man ngayon yung mga kaluluwa nila, sana ay matahimik na at hindi na mangambala pa ng iba.
Pag-uwi ko, agad akong sinalubong ni Clark. Nagli-live-in kami ngayon sa isang malaking bahay na binili namin sa Bulacan.
"Hi Babe,", bati niya sa akin. Kiniss niya ako sa noo at niyakap ng mahigpit. "Alam mo, na-miss kita"
"Ano ka ba naman babe, dalawang oras lang ako nawala eh, ganyan na agad yung reaction mo? OA ah! Hahahaha!" pabiro kong tugon. Ganito kami lagi, biruan, asaran. Para kaming bata.
"Ikaw talaga!" sabay kinurot niya yung ilong ko.
Hinimas-himas pa niya yung tiyan ko. "Kumusta ka na diyan sa loob ni mommy baby Louie? Naiinip ka na ba diyan sa loob? Wag kang mag-alala dahil isang buwan na lang at lalabas ka na!"
"Haha! Kanina pa nga siya sumisipa eh, baka balak niyang maging soccer player paglaki!"
"Excited na ako sa paglabas niya!"
"Daig mo pa ang tunay na ama kung umasta ah! Haha!"
"Syempre, ako na kaya ang tatayong tatay sa kanya paglabas niya"
"Nakuu!! TAra na nga sa loob".
Sabay kaming pumasok sa loob ng bahay. Napakaswerte ko talaga kay Clark. Hindi ako nagkamali sa pagpili sa kanya.
Umupo kami sa mahabang sofa sa may malawak naming sala. Magkatabi kami at nakasandal ako sa balikat niya habang magkahawak yung mga kamay namin.
"Honey," bigkas ko.
"Bakit?"
"Naaalala mo pa ba nung una tayong magkita?"
"Haha, yun ba yung nagda-drive ako ng Taxi? Hahahaha!"
Nagtawanan ulit kami. Kaso makalipas ang ilang saglit, nagbago yung mood ng mukha niya. Naging malungkot. Tsaka siya nagpatuloy sa pagsasalita. "Ayaw ko nang balikan yun."
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
TerrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...