Chapter 32: Ang Muling Pagtutuos

2K 43 0
                                    

Chapter 32: Ang Pagtatapos

SHERYLL's POINT OF VIEW

Nakarating kami sa bayan nila Aling Miranda ng bandang tanghali. Tirik na tirik ang araw at napakatahimik ng kagubatan. Binilisan namin ang aming paglalakad.

Una naming tinungo ang bahay ni Elise pero walang tao dun. Wala rin yung anak niyang sanggol. Nakita ko rin yung numero ng bahay. na nakasabit sa tabi ng pinto... 911.

"Inaalay ko sa iyo ang sanggol na ito!!"

Mula sa likod bahay, may narinig akong sigaw.

"Narinig mo ba yun?" tanong ko kay Dorothy.

"Oo, tara, puntahan natin!"

Agad kaming nakarating sa likod ng bahay at nakita ang isang babaeng nakatalikod na may hawak na sanggol... Maraming nakasinding sulo at kandila sa paligid na syang pinagmumulan ng makapal na usok.

May mga prutas at bungo rin na nakakalat sa damuhan.

"ELISE!", sigaw ko. Kinuha ko ang nakalapag na kahoy sa lupa at saka ko itinutok sa kanya.

Inilapag niya ang sanggol sa damuhan at lumapit sa amin.

"ANO ANG GINAGAWA NIYO RITO?"

Kilala ko ang boses na iyon! Boses ng demonyo!

"Beelzebub. Ikaw nga iyan!" sigaw ko.

"BUTI NAMAN AT NAKARATING KA!"

"Bakit mo iyon ginawa sa kanya? Bakit mo pinatay si Elise? Anong gagawin mo sa anak niya!?"

Tumakbo si Dorothy at binuhat niya yung sanggol.

"HAHAHA! TUMAHIMIK KA SHERYLL! WALA KANG ALAM SA MGA NANGYAYARI! KAGAYA NIYA, PAPATAYIN KO RIN KAYO! MGA PAKIALAMERO!"

"Tumigil ka! minsan ka na naming natalo! Magagawa ulit namin iyon! Dorothy, dalhin mo ang bata sa ligtas na lugar, magtutuos lang kami ng demonyong ito!"

"s-sige"

Nilabas ko ang dala kong rosaryo.

"IYAN LANG BA ANG DALA NIYO?!"

Naglakad na palayo si Dorothy. Hindi ko alam kung saan niya dadalhin yung sanggol. Pero sana ay maging ligtas sila.

Napaatras ako nang biglang magbago ang itsura ng nasa harapan ko. Nagkaroon siya ng pakpak, naging itim ang kulay ng balat, may tumubong sungay sa ulo niya at nagkabuntot siya sa likod.

"Hindi na ako natatakot sa iyo!" itinutok ko sa kanya ang rosaryo ngunit hindi man lang siya nasaktan. Umusok lang ang buong katawan niya.

"HAHAHA!"

May nabuong bolang apoy sa kanyang kamay at ibinato sa akin pero buti na lang at nakaiwas ako.

Ano na ang gagawin ko ngayon? Hindi siya tinatablan ng rosaryong dala ko! Sana may iba pa akong pwedeng maging sandata!

"Sheryll! Saluhin mo!", napalingon ako kay Dorothy. bakit siya bumalik ulit?

Sinalo ko yung dala niyang bote. Saan naman kaya niya nakuha ito? At ano naman ito?

"Buksan mo at ibuhos sa kanya!"

Muli nanamang bumuo ng bolang apoy si Beelzebub at itinutok kay Dorothy..

"Huwwaaaggg!!", sigaw ko. Agad kong binuksan ang hawak kong bote at ibinato sa kanya bago pa niya tamaan ng bolang apoy si Dorothy.

Umusok ang buong katawan ni Beelzebub dahil dito. "HINDI!!"

Ibinato ko rin sa kanya yung hawak kong rosaryo na naging dahil upang siya ay biglang naglaho.

Nilapitan ko si Dorothy at saka ko niyakap. "Sana ay tapos na ito."

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon