SHERYLL'S P.O.V.
Ang pangalang iyon... Malinaw na sa isipan ko...
"CIELO"
"Sinong Cielo? Yun ba yung kaibigan niyong weirdo? Hindi ko na yun nakikita? Nasaan na siya?"
Kinabahan ako nang biglang magtanong si Alexander. Narinig yata niya yung binigkas ko kaya humarap ako sa kanya. Kung sakaling sabihin ko ba sa kanya yung pagkamatay ni Cielo at yung paglilibing namin sa kanya, mapoprotektahan ba niya kami o baka siya mismo ang humuli sa amin? Siguro hindi dahil may pinagsamahan naman sila ni George noon. Matalik naman silang magkaibigan kaya hindi siguro kami ilalaglag ni Alexander. Pero paano kung siya ang kumanta sa mga pulis? Hay, ang hirap magdesisyon.
"Sige, mauuna na ako. Nagtext na mama ko, pinapanuwi na ako sa bahay. Bye", paalam ko sa kanya bago ako lumabas ng presinto. Sa totoo lang, hindi naman talaga si mama ang nagtext, sila George yun, pinapapunta nila ako sa REN Cafeteria, ang lugar kung saan nagsimula ang lahat.
Tinext ko na si Troy na papunta na ako at si Wilson my love pero walang nagrereply ni isa. Siguro ako na lang anag hinihintay nila dun. And I'm sure pinatawag nanaman kami ni George para damayan siya sa pagdadalamhati sa pagkamatay ni Janine.
Pagkapasok ko sa cafeteria, una agad nakita ng mga mata ko ang magbestfriend na sina Troy at George. Napansin ko ang luha sa mga mata niya, siguro nga ay tama ang hinala ko tungkol sa pagdadalamhati nito. Sana may magawa ako para mapatahan siya sa pag-iyak. Hindi ko nagawang makalakad palapit sa kanila matapos akong mapako sa kinatatayuan, dinig ko ag usapan nilang dalawa.
"George. . . Pano ba yan? bukas na yung libing ni Janine. Pupunta ka ba?", tanong sa kanya ni Troy.
Umiling siya na may halong lungkot. "Mukhang hindi. . . . . . . . . . . Masakit yung nangyari. Biglaan pare! Hindi ko inexpect"
"Ganyan talaga. Sabi nga nila, Expect the Unexpected diba?"
"Mahal ko si Janine pare! Hindi ako makapaniwala na patay na siya!" Nakatingin si George labas. Hindi niiya inaalis ang paningin sa mga sasakyang nagdaraan.
"Pre, hindi naman sa nananakot ako or ano ah. Napag-isip-isip ko lang. Paano kung si Cielo ang pumatay sa kanya? Pero sinasabi sa imbestigasyon na nadulas siya sa sabon at nabagok. Imposible naman ata yun."
Kinilabutan bigla ako sa sinabi ni Troy. Ewan ko kung bakit pero ginapang ng kaba yung buong katawan ko. Hahakbang na sana ako para lapitan silang dalawa pero muling nagsalita si Troy.
"Paano kung nagmumulto si Cielo at gaganti siya sa atin. Paano kung yung pagapakita niya sa inyo ay senyales na ng pagsisimula niya para maghiganti? . . . dahil dun sa ginawa nating pagtatago sa bangkay niya. . . Especially, yung ginawa nating--"
Umupo ako sa tabi niya at tinakpan ng tissue yung bibig nya.
"Tumahimik ka nga Troy! Hindi ko gusto iyang mga lumalabas sa bibig mo!"
Angsarap niyang pagtawanan dahil sa pagkagulat niya. "I-ikaw pala Sheryll. Kararating mo lang?", tanong niya habang tinatanggal yung tissue sa kanyang bibig.
"Kararating ko lang", lumingon ako kay George na nananatiling tahimik pa rin. "Ano kaya kung sabihin natin sa mga pulis yung totoo? Kausap ko kanina si Alexander at muntikan ko nang sinabi sa kanya yung nangyari nang gabing yun"
"No way! WAG MONG MABANGGIT-BANGGIT SA KANYA YAN!"
Sa ikalawang pagkakataon, muli kong tinapalan ng tissue paper yung bibig niya dahil sa ingay niya. "Shhhh! Wag ka nang sumigaw Troy, nakakahiya sa mga katabi natin. Tingnan mo, umalis tuloy yung lalaki sa katabing mesa. Ang ingay mo kasi. Pwede mo namang ibulong yung mga sinasabi mo diba?"
![](https://img.wattpad.com/cover/33197524-288-k596314.jpg)
BINABASA MO ANG
Kaluluwa ni Cielo
TerrorSa kanyang pagkamatay nagsimula... Ang pangyayaring babago sa buhay ng mga sangkot... At kaganapang magbibigay ng hilakbot sa lahat... Sa trahedyang naganap, sino ang mananagot? Sino ang mapapahamak? Paano sila makakaligtas sa nagngangalit na paghih...