Chapter 22: Ang Pagpunta sa Pangasinan

2.2K 54 4
                                    

Chapter 22: Ang Pagpunta sa Pangasinan

>SHERYLL'S P.O.V.<

Tanghaling tapat. Alas Dose nang makarating kami sa bus terminal papunta sa probinsya. Hindi namin alintana ang gutom at pagod. Basta ang importante ay makarating kami dun agad. . . ng mabilis!

Wala kaming oras na inaksaya... Oo. Gusto ko ulit makita ang ang aming mga magulang pero hindi sa ganoong sitwasyon. Ayokong dumating sa punto na daratnan ko sila na nakahiga sa kabaong at iniiyakan... Pero huli na. Hindi ko lubos inasahan na hahantong sa ganito. Bakit kasi nangyari pa iyon? Bakit maaga silang sumakabilang-buhay?

Ngayon ko lang nabalitaan ang tungkol dito. Kung hindi lang nagtungo si Wendell sa amin, malamang ay wala talaga akong kaaalam-alam sa mga nangyayari doon...

Sa bus, hindi ko magawang makapagsalita. Tahimik lang kaming tatlo at walang kwentuhang nagaganap sa pagitan namin.

Pinagmamasdan ko na lang ang malawak na bukirin sa Pampanga. Napakaluwang at napakagandang pagmasdan. Kahit papaano, nababawasan ang kirot at hapdi na aking nararamdaman sa ngayon. Nasa tabi kasi ako ng bintana at katabi ko sina Sheena. Si Wendell naman, nakahiwalay ng upuan. pangdalawahan lang kasi ang upuan na inuupuan namin eh.

Habang pinagmamasdan ko iyon, hindi ko namalayan ang pagbagsak ng mga luha ko mula sa aking mga mata...

"Ate, umiiyak ka?" malungkot na tanong ni Sheena. Ang kanyang boses, balot ng pagdadalamhati.

"H-Hindi. Okay lang ako." sabay punas ng mga luha gamit ang aking mga kamay. "Wala to."

"Wag mo nang i-deny. Kitang-kita naman eh."

Hindi na lang ako nagsalita, sa halip, isinandal ko na lang ang aking ulo sa bintanang yari sa salamin. 

Muli kong tiningnan ag bukid. Napakatahimik siguro dun. Presko ang simoy ng hangin at parang walang mabigat na problema ang mga residente.

Balak ko sanang ngumiti pero, ano itong nakita ko? Oo. mabilis ang andar ng bus na aming sinasakyan ngunit parang biglang bumagal nang may makita akong kakaiba.

Isang babae. Nakaputi at puno ng putik yung bestida!! Si Cielo! Nagpakita nanaman siya sa akin! Pero bakit? 

Nakatayo siya sa may gilid ng kalsada at kumakaway. Kitang-kita rin ng dalawang mata ko ang mga ngiti niya. Ang mga ngiti na hinding-hindi ko malilimutan. . .

*****

Pagdating namin sa Pangasinan, agad kaming sinalubong ng aming mga kamag-anak. Pero imbes na tuwa at galak, kalungkutan ang sinalubong nila sa amin.

Niyakap ko nang mahigpit ang aking Tiya Isabel. Kapatid siya ni tatay. Miss ko na rin siya dahil isa siya sa mga naging takbuhan ko noong ako'y bata pa.

"Kumusta ka na?" tanong niya sa akin matapos ko siyang yakapin.

"Heto po, maayos pa naman.", malungkot kong sagot. Nilibot ko ang aking paningin. Maraming tao sa bakuran ng aming bahay. May itinayong malalaking tent para sa mga nagsusugal. May mga nagluluto rin ng mga pagkain. Busy ang lahat sa kanilang mga ginagawa. Ang mga bata na karaniwang makikitang nagtatakbuhan ay naroon sa isang tabi, nanonood ng mga naglalaro ng baraha. Marami nang nagbago sa lugar na ito.

Ngunit sa lahat ng ito, dalawang magkatabing ataul ang pumukaw ng aking atensyon.

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon