Chapter 3: Ang Bagsik Ng Kaluluwa Ni Cielo

5.5K 111 12
                                    

 GEORGE'S P.O.V.

Pumunta ako sa bahay nila Troy para ikwento sa kanya ang naging karanasan ko sa bahay namin kanina. Hindi pa rin ako maka-move-on. Hay naku, sana panaginip lang ang nangyari kanina. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina kundi ang sumigaw at kumaripas ng takbo. Nasa bahay naman na si Dad kaya may kasama na si Mom.

"Pre, totoo yung nakita ko! Hindi yun imagination!" Kahit ilang beses ko nang kinekwento yung tungkol sa babae sa kwarto ni mommy ay ayaw pa rin niyang maniwala sa akin. Sinabi pa niya na nahihibang na raw ako at itigil ko na ang pagdodroga though hindi naman talaga.

At sa nangyari kanina, yung mukha ng babae ay sobrang pamilyar sa akin. Isang mukha na matagal ko na dapat ibinaon sa limot. Si Cielo na lalong nagbibigay ng hilakbot sa bawat paghakbang ng aking mga paa patungo sa bahay nila Troy.

"Naku naman pare! Naniniwala ka sa multo? Diba sabi mo sa akin noon, kalokohan lang yung mga yun?"

"Noon yun! Pero pre, iba yung nangyari kanina eh! Si Cielo, nagpakita sa akin!"

"B-Baka type ka pa rin niya?!"

Anong type? This is a very serious matter. Anong klaseng kaibigan naman ito. Paano kung minumulto niya ako para maghiganti dahil sa pagkamatay niya? Paano kung patayin niya ako sa takot at nerbiyos? Paano kung...? Ay ewan! Napaksensitive talaga ng issue na ito. Basta ang alam ko lang ay nagparamdam siya sa akin kanina. Hindi na muna importante sa ngayon ang dahilan ng pagmumulto niya.

Ang nasabi ko na lang, "Ewan ko eh. Basta. Natatakot akong umuwi. Baka nandun pa rin yung kaluluwa niya sa bahay namin."

"Ewan ko sayo George Thompson! Bakla ka yata eh!" sabi niya bago pumasok sa kanyang kwarto. "Wait lang ha, may kukunin lang ako."

Sinimangutan ko na lang siya sabay kuha ng burger sa pinggan. Buti naman at may pagkain na inooffer itong si Troy sa mga bisita niya nang sa gayon ay mabawasan yung pagkainis ko sa kanya. At buti na lang masarap itong Cheese Burger na ito.

Ngunit nang akma ko na itong isubo, isang babaeng nakasuot ng putikang bestida ang bumulaga sa aking paningin. Nakangiti siya sa akin at nakatayo sa tabi ng refrigerator. Ibang klaseng ngiti ang nakita ng dalawang mata ko. Yung tipong may ibig pakahulugan na siya lang ang natutuwa.

Pinilit kong ipikit ang mga mata ko at nang aking imulat ay bigla na lamang itong naglaho. Buti naman, wala na siya.

"George"

Hanggang sa may tila bumulong sa aking tenga ng pangalan ko. Ramdam ko ang init ng hininga ng sinumang bumulong sa akin. Ibang klaseng init na animo'y mula sa ilalim ng lupa!? Nakakatakot!

Napatayo ako mula sa aking kinauupuan dahil sa pagkabigla at kasabay nito y ang pagtunog ng doorbell.

"Troy! Tao po!".

Madaling lumabas ng kwarto si Troy at pinagbuksan ng pinto ang magkasintahang Sheryll at Wilson. "Oh! Kayo pala! Buti at naparito kayo"

Pagkapasok na pagkapasok ni Sheryll y agad siyang umupo sa malambot na sofa na tinabihan naman ni Wilson. Inilapag ko ang burger na hindi ko pa nakakagatan sa plato at lumapit sa kanilang tatlo.

"I texted them. Pinapunta ko rin sila dito kasi natanggap ko yung test ni Sheryll na nagpakita raw si Cielo sa kanya sa restaurant." Wala eh, kahit na naghiwa-hiwalay na kami ng landas, magkikita't magkikita pa rin pala kami dahil sa pagmumulto ni Cielo.

"Guys! Minumulto niya tayo dahil sa ginawa nating pagtapon ng bangkay niya sa sementeryo!" Maluha-luha pa si Sheryll sa pananalita. Ramdam ko ang takot at pighati ng kaibigan ko. Sa oras na ito, nahiling ko na sana ay may magawa ako upang matapos na kaagad ang pagmumultong ito.

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon