Chapter 27: Ang Katotohanan Sa Likod Ng Kaluluwang Ligaw

2.2K 49 0
                                    

Chapter 27: Ang Katotohanan Sa Likod Ng Kaluluwang Ligaw

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang sinabi niya!  Nanindig lahat ng balahibo ko!

Nagpatuloy siya sa pagsasalita: "Isang kampon ng kadiliman na puno ng galit at poot hindi lang sa'yo, sa mga kaibigan mo, kundi pati na sa mga taong nasa paligid niyong magkakaibigan!"

Sheena: "A-ano pong ibig niyong sabihin na demonyo? Nakaka-confuse lang"

Aling Miranda: "Ipapaliwanag ko... Si Cielo ay namatay noong gabi ng ika-11 ng Setyembre noong nakaraang taon diba?"

Ako: "Opo"

Anggaling niya, alam niya lahat ng detalye! Given na kasi sa kanya ang ganoong klaseng kapangyarihan dahil isa siyang espiritista.

Aling Miranda: "Noong araw na iyon, dapat mabubuhay ang isang alagad ng kadiliman sa katauhan ni Cielo subalit bago pa man siya makasapi dito, namatay siya dahil nahulog siya mula sa rooftop ng isang gusali"

Ako: "H-Hindi ko po maunawaan ang mga sinasabi niyo."

Aling Miranda: "Isa lang ang ibig sabihin niyan... Hindi si Cielo ang kaluluwang pumapatay."

Ako: "Kung hindi siya? Sino? Bakit kamukha niya?"

Ano ba yan!? Imbes na matapos at masagutan na ang mga katanungan ko, naging masama pa yata kasi lalong nadagdagan ang mga ito! Hindi ko mapagtagpi-tagpi yung mga sinasabi niya! Naguguluhan ako!

Aling Miranda: "Beelzebub ang pangalan ng nakaharap niyong demonyo!"

Ako: "Beelzebub?" Muling nanumbalik sa aking isipan ang nakasulat sa pader!. . . "Bakit niya yun ginawa?"

Aling Miranda: "Marami pa nga kayong hindi nalalaman. . . Alam ba ninyo ang alamat tungkol sa kanya?"

Ako: "H-hindi po. Wala po akong alam sa mga ganyan." Tiningnan ko sina Sheena ngunit umiiling lang sila.

Aling Miranda: "Ganito iyon". Ang boses niya ay napakaseryoso. Hindi man lang siya ngumingiti kaya halata sa mukha niya na hindi biro ang kanyang ginagawa... . .  ."Si Beelzebub ay ang prinsipe ng mga dyablo. Inihahalintulad ng mga Hudyo ang nilalang na ito bilang pinakamasama salahat ng demonyo. Dati siyang anghel na ipinatapon sa impyerno sa isang kasalanan. Dahil dito, siya ay nangakong maghihiganti at sasakupin ang buong sanlibutan . . Noong ika-11 ng Setyembre ng nakaraang taon nakatakdang mabuhay si Beelzebub upang mamuno sa mga dyablo para sa gagawin nilang pagsakop sa ating mundo. Ngunit bago ito mangyari, dapat siyang humanap ng taong sasaniban niya. At ang napili niyang saniban ay si Cielo."

Ako: "P-Pero bakit si Cielo? Marami namang tao ang nabubuhay sa mundo? Ano bang meron sa kanya at siya ang napili nila?"

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon