Chapter 6: Si Aling Minda at Ang Pakikipag-usap sa Kaluluwa Ni Cielo

4.1K 85 15
                                    

 SHERYLL'S P.O.V.

"Nasaan ang bangkay ni Cielo?"

Nagbago ang boses ni Alexander nang sandaling iyon. Dama ko ang pagkaseryoso at pagkatalim nito na halos tumarak sa magkabilang tainga ko. Bigla akong kinabahan at naramdaman ko na lang na nagsitindigan ang mga balahibo ko. Bakit niya itinanong sa akin ang bagay na iyon? May alam ba siya sa mga nangyayari? Nakapagtataka.

Marahan akong humarap sa kanya upang makita ang titig niya na waring nais akong tunawin. Ang kislap ng mga mata niya ay iba sa anyo ng normal niyang pagtingin. May halong pagtatanong ang mga ito at kinakausap ako kahit walang dayalogong lumalabas sa aming mga bibig.

"A-Anong bangkay ang ssssinasabi mo? Sssssi Cielo ba? Wala na kaming balita sa kanya!!", nauutal na sabi ko sa kanya. Hindi ko na alam ang itutugon ko sa katanungang sinambit niya sa akin.

"Huwag ka nang magkaila Sheryll. Narinig ko mismo yung pinag-uusapan ninyo."

"Alex, anggulo mo. . . . H-hindi kita naiintindihan. Anong pinag-usapan?"

Hindi ko alam kung bakit ngunit pulit na bumalik sa isip ko ang mga sandaling magkakasama kami nila George at Troy sa restaurant.

*FLASHBACK*

"Paano kung nagmumulto si Cielo at gaganti siya sa atin. Paano kung yung pagapakita niya sa inyo ay senyales na ng pagsisimula niya para maghiganti? . . . dahil dun sa ginawa nating pagtatago sa bangkay niya. . . Especially, yung ginawa nating--" sabi ni Troy.

Umupo ako sa tabi niya at tinakpan ng tissue yung bibig nya.

"Tumahimik ka nga Troy! Hindi ko gusto iyang mga lumalabas sa bibig mo!"

"I-ikaw pala Sheryll. Kararating mo lang?", tanong niya habang tinatanggal yung tissue sa kanyang bibig.

"Kararating ko lang", lumingon ako kay George na nananatiling tahimik pa rin. "Ano kaya kung sabihin natin sa mga pulis yung totoo? Kausap ko kanina si Alexander at muntikan ko nang sinabi sa kanya yung nangyari nang gabing yun"

"No way! WAG MONG MABANGGIT-BANGGIT SA KANYA YAN!"

Sa ikalawang pagkakataon, muli kong tinapalan ng tissue paper yung bibig niya dahil sa ingay niya. "Shhhh! Wag ka nang sumigaw Troy, nakakahiya sa mga katabi natin. Tingnan mo, umalis tuloy yung lalaki sa katabing mesa. Ang ingay mo kasi. Pwede mo namang ibulong yung mga sinasabi mo diba?"

*END OF FLASHBACK*

"S-so, you mean, ikaw yung taong. . . i-ikaw yung taong umalis sa katabing mesa namin?" puno ng kaba ang boses ko nang mga sandaling iyon. Hindi niya maaaring marinig ang pinag-uusapan namin. Hindi niya maaaring malaman ang sikreto namin. Hindi ito pwedeng mangyari.

Ngumiti siya, isang matalim na ngiti. "Dinig ko lahat ng pinag-usapan nila Troy at George bago ka dumating."

"Anong narinig mo?"

Inilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at nagsimulang bumulong: "Uulitin ko. . . Lahat."

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako sa narinig ko. Paano kung magsabi siya sa mga kapwa niya pulis? Paano kung makulong kami? Paano kung masira ang kinabukasan namin? Hindi pwede. Kailangan kong gumawa ng paraan.

Ngunit bago pa man ako mabalik sa ulirat, nakita ko na lang na nakatayo siya sa tabi ng pintuan at nakatingin sa'kin. "Mag-iingat kayo lagi."

Matapos niyang magsalita, tumalikod siya at tuluyan nang lumisan. Naiwan akong nakatayo mag-isa, tulala at wala sa sarili. Ano nang pwede kong gawin? Lagot kami nito kung magkagayon. Binuksan ko ang telepono at tinawagan si George. Alam niya ang gagawin.

Kaluluwa ni CieloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon