BESTFRIEND I LOVE YOU

35 3 0
                                    

PALINGON-LINGON si Lovella. Habang naglalakad nagbabasakali siyang nakasunod sa kanya si Dalton.

Oh’ kaya kahit na manlang tawagin ang pangalan niya nito.

Mag tatatlong linggo nang hindi nangungulit ang kaibigan niya na sundoin siya sa pagpasok at ihatid sa pag uwi.

Ganoon na rin katagal na hindi ito tumatawag o mag txt man lamang kahit na man lang ang pumunta sa bahay nila.

"Nang sapitin niya ang gate ng paaralan, muli siyang lumingon at tumingin sa mga studyanteng nag sisilabasan ng unibersidad. Ngunit sa dinami- dami ng mga tao, hindi nakaligtas sa kanya ang pamilyar na bulto ng katawan ng kaibigan.

Dalton___ngunit napigil ang tuwang gumapang sa kanyang puso nang makitang may kasabay ito.

Hmp! Ang bruhang si Agatah pala! At parang may kung anong kumurot sa kanyang puso,
Dahil sa nakita niya.

Kilala niya si agatah na super flirt sa school nila bukod doon, napaka bokal ng babae sa pagkakalat na crush na crush nito si Dalton"

At alam niyang lagi itong nagpapansin sa kanyang kaibigan.

Gayunpaman, noon ay hindi siya apektado. Kasi alam niyang sa kanya lang nakapokus ang atensiyon ng kaibigan. Dahil ayaw niyang may ibang babae na lumalapit dito pagkasama siya nito.

Pero di na ngayon..... Napa ismid nalang si Lovella habang natingin sa kaibigan at sa kasama nito.


"O, BAKIT hindi ka kumakain?"  puna ni Pauline kay Lovella nang mapansin nitong hindi niya ginagalaw ang kanyang pagkain.

"Wala," malungkot niyang tugon.

"Sus! Wala raw! Ang sabihin mo, nami-miss mo si Bestfriend Dada" mo! Pang bubuska naman ni Hanna

"Hindi, ah! Inirapan niya pa ang mga kaibigan na nangsisitawanan,

"Sinungaling! Mula nang iwasan mo siya at si Agatah na ang dumidikit, lagi ka nang tulala. In love kana sa bestfriend mo ano?"

Sabi naman ni Missy.

"So' selos ka kay Agatah ngayon?" ani Pauline

"Hindi, ah!"

"Ows?" sabay na sabay naman na sabi ng apat na babae

"Talaga!"

"Paano kung papasok pala si Dalton ngayon dito sa canteen at kasabay niya si Agatah. At hayun o, nangbubulungan at nagtatawanan pa sila," wika ni Glaiza

"Ha?" awtomatikong napatingin siya sa pintoan ng canteen. At eksaktong, kitang kita ng dalawang mata niya ang magkasabay nga na sila Dalton at Agatah.

Nakakapit pa ang kamay nito sa bisig ng binata

"Let's go girls"

Sabay tayo ni Lovella at akmang aalis na..

"Ano!" di pa nga natin nakain itong order natin aalis na tayo?"

"Oo nga' saka sayang nitong order natin maraming nagugutom sa mundo ngayon no!"

Pahayag naman ni Hanna.

"Bakit? Pagkinain nyo ba yan mabubusog yung mga gutom diyan sa lansangan?"

"Kung ayaw niyo umalis ako nalang.

pagka wika nito ay nag martsa na ito palabas ng canteen.

Hindi na niya sinulyapan ang gawi ng binata.

"Sandali!" habol naman ng mga kaibigan niya rito.

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon