BESTFRIEND I LOVE YOU

48 3 0
                                    

"BAKIT ba ayaw mong maki sabay tayo sa mga boys ?" tanong ni Pauline sa kay Lovella pagka upo nila sa canteen. Habang nag oorder ng pagkain nila si Glaiza at Hanna.

"Ayaw ko munang makasabay si Dalton ngayon no!"

"At bakit naman kala ko ba Brother bestfriend and hero ang turing mo dun bat ngayon ayaw mo maka sabay sa pag kain?"

"Wala lang."

"Bakit nga." pangungulit ni Pauline sa kaibigan samantala si Missy naman nakikinig lang sa usapan ng dalawa.

"Wala nga!" Basta ayaw ko muna siyang makasama sa ngayon.

Siya nalang ang lihim na nakakaalam na ayaw niyang makasanayan pa na laging niyang kasama si Dalton.

Sa kubli kasi ng puso niya aminin man niya at sa hindi alam niyang nasisiyahan din siya kapag kasama palagi ang lalaki at yun ang kinatatakotan niya.

"Ayaw kung masira ang friendship namin. Sa isip nalang ni Lovella,

"Ay naku girl may MU ata kayo ni Papa Dalton mo.

Nanliligaw na ba si Bestfriend mo sayo?"

Naku kung sakin manligaw ang isang Dalton Allegro, hindi na ako mag dadalawang salita tatlo agad! At sabihin ko I LOVE YOU!!

"Pak!" ang OA mo sabay batok ni Missy sa kaibigan.

Natawa nalang si Lovella sa pinag gagawa ng kaibigan.

"Pero Oo nga girl' Dalton is a good catch. Kung si Rex na man lang (yung nag papalipad hangin kay Lovella na schoolmate din nila)

Mas gugustuhin pa namin na yung bestfriend mo nalang.

"Excuse me!" mga bruha Bestfriend ko yun no!"

"Sus! Nagpapakipot ka lang! Biglang wika naman ni Glaiza na nasa likoran na pala nila bitbit ang mga pagkain at ni Hanna.

"Utang na loob. Tamaan man ako ng kidlat, hindi ko type si Dalton."

Bestfriend lang kami at hanggang dun lang yun.

"Oy, namumula siya. Sabi nga nila from friend to boyfriend.

"No way! I told you, girls hindi mangyayari ang sinasabi ninyo. May nagugustuhan na si Dalton at hindi ako yun.

"So!" you mean gusto mo siya??" sabay sabay na tanong ng apat na kaibigan.

"Iwan sa inyo!" ang kukulit nyo kumain na nga lang tayo gutom lang yan.

Napa ismid nalang ang mga kaibigan sa tinuran ni Lovella.


NAGULAT si Lovella mula s panonood ng TV nang may kumatok sa pinto.

"Sandali!" sigaw niya bagama't hindi naman tumatayo mula sa pagkakalupasay sa carpet at pag titig sa screen ng TV.

"Ang galing talaga ni Tobey my Idol! Kinikilig si Lovella habang nakatutok pa rin ang paningin sa TV screen.

Nanunuod kasi siya ng NEED FOR SPEED"

Muling naulit ang katok.

"Sandali! Nag dadabog na tumayo na siya.

Wala man lang nakaka rinig na katulong para pag buksan ang kumakatok na to!"

Bulong bulong ni Lovella sa sarili habang papalapit ng pinto.

"Hi!"

Nagkabuhol ang kilay niya nang mapag buksan ang pinto si Dalton.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" inis niyang tanong.

Napakamot nalang ang binata sa sinalubong sakanya ng kaibigan,

"Hindi ka ba pupunta sa bahay? Naroon si tita Luisa, katulong ni mommy sa pagluluto ng pansit at pagbe-bake ng cake.

"So?" nakataas ang kilay na tanong ni Lovella

"Ano bang problema mo Lovella bat ba ang sungit sungit mo sakin?"

"Wala lang!

Wala lang ako sa mood para maki usap sayo saka busy ako.

"Busy kakapanuod. Sabi ni Dalton sabay lakad nito papasok sa sala kung saan duon nanunuon ang kaibigan.

"Oo' saka ayokong tumaba, ano humalukipkip siya at inirapan ito.

"Kumulimlim ang mukha ni Dalton.

"G-ganoon ba? Sige, aalis na ako." laglag balikat na tumalikod na ang binata at humakbang pabalik sa pintuan.

Da!" tumaas ang kamay ni Lovella. Gusto sana niya itong pigilan ngunit sinuway niya ang sarili.

Hmp! Mas maganda ang pinapanood ko, ano?

Paingos na isinara na lang niya ang pinto at bumalik sa panonood.

Ngunit kahit anong gawin niya, hindi na niya ma-appreciate ang pinapanood.

Ang Dalton kasi na iyon, eh!

Sisi niya sa kaibigan.

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon