BESTFRIEND I LOVE YOU

33 2 0
                                    

ANG akala ni Lovella ay mabilis lang ang mga pinangako niya sa kaibigan tulad ng akala niya nang di pa siya nakapasok sa showbiz.

Ngunit hindi pala ganoon kadali iyun.

"Gwapo ang leading man mo, imposible bang hindi totoo ang nakalagay na write-up sa magazine na sumama ka sa kanya mag dinner at mag-disco gabi gabi?"

My goodness Lovella ang bata bata mo pa para sa mga bagay na yan.

"Dalton,ano ka ba naman? Sinabi ko na sa iyong gimmick lang iyon para kagatin ng mga tao ang loveteam namin?"

Saka di naman totoo na nag disco kami Oo, nag dinner kami pero hindi ako sumama sa disco no!"

Nahihirapan ang loob na paliwanag ni Lovella sa kaibigan.

Napabuntong hinga na lang si Dalton.

"Alam mo, lovella kung tutousin wala akong karapatad na pagsabihan ka about dito.

Dahil alam ko naman kung saan lugar ako nababagay sa buhay mo. Pero kaibigan mo ako!"

Sana naman wag mo masamain ang sinasabi kung ito.

Kaibigan mo ako at bago ka mapuna ang iba sa mga pinag gagawa mo binabalaan na kita.

"Please maniwala ka naman sa akin Dalton, totoo ang sinasabi ko.

Saka naiintindihan kita" alam ko naman yan ang sasabihin mo dahil mahal mo ako bilang kaibigan.

Saka tama ka bata pa ako.

Pero totoo hanggang dun lang talaga ang nangyari.

Nakatitig lang si Dalton sa kaibigan at napabuntong hininga ito.

"Tandaan mo lang ano man ang mangyari nandito lang ako na kaibigan mo. Para supurtahan ka pero wag kalang pasubra sa bagay na di na kitang kayang unawain lovella.

"Thank Da" sabay yakap ng dalagita sa kaibigan.

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon