TUNOG ng cellphone ang nagpabalik sa diwa ni Lovella dahil sa kaiisip niya sa mga nagdaan araw at ang pag takas niya uli sa CF para lang di siya masundan ni Dalton.
Sino kaya ang____" natigilan ang dalaga ng number lang ang tumatawag sakanya.
At nag pasya siyang hindi nalang ito sagutin.
Ang akala niya ay titigil na ang tumatawag sakanya ngunit muli itong tumawag.
"Dolan, sagutin mo nga ang tumatawag na to.
Sabihin mo hindi sakin ang number na tinatawagan niya kahit sino pa yan.
"Akin na nga," agad inabot ni Dolan ang cellphone at sinagot ito.
"Oo. Hello?"
Pilit ni Lovella dinidikit ang tenga sa kay Dolan habang kausap nito ang tumatawag.
"Sorry po, pero hindi po ito kay Lovella Samaniego cellphone."
Muling nagsalita ang nasa kabilang linya.
Tumingin si Dolan kay Lovella na parang nag hihingi ng tulong ang tingin nito.
"Bakit? Pabulong na tanong ni Lovella kay Dolan."
"Si Dalton Allegro daw po siya.
At alam daw niya na nandito ka, pag hindi niyo daw siya kinausap, susugod siya dito."
"H-ha?" napalunok si Lovella sa narinig.
Ano ba itong ginagawa ko?"
Nakatakas nga ako sa paningin niya doon sa CF kanina pero ito naman.
Tumatawag pa sa cellphone ko at ang masaklap nalaman niya pa ang number ko."Sino ang source niya at pati number ng landline ko ay nalaman niya rin.
Napilitan siyang abutin ang cellphone mula sa kamay ni Dolan.
"H-hello?"
"I'm glad you talked to me now."
Malamig na tinig ni Dalton mula sa kabilang linya.
"P-paano mo nalaman ang number ko?"
"Sa mga kaibigan mulang naman.
Pati landline nyo ibinigay narin sakin.
Gusto ni Lovellang murahin sa isip ang mga kaibigan dahil sa ginawa ng mga ito.
Ngunit naisip niya baka na-pressured lang ang mga ito kaya ibinigay kay Dalton ang number niya.
"A-anong kailangan mo?"
Natawa naman ang binata sa kabilang Linya dahil sa tinanong ng dalaga dito.
"Namiss lang naman kita miss Lovella Matthew Samaniego, may diin na salita nito sa pangalan niya.
"Dalton__"
"Can i see you again?"
"W-what are talking about? Hindi pwedeng ___"
Kapag hindi kita nakita at nakasama ngayong gabi, mababaliw ako.
At kapag nabaliw ako, susugod ako diyan at manggugulo.
" Nabasa mo ba ang balita sa diyaryo?"
"O-Oo."
„So, kapag hindi ka nakipagkita sakin ngayon, lalantad ako sa mga reporters at magpapakilala."
"Dalton!"
"Please..." i missed you."
And i need you."
"What is this, ha? Blackmail?"
"Bahala ka kung ano ang gusto mong isipin. Basta kailangan mong magpakita sakin ngayon."
"Damn you, Dalton! Huwag mo akong paglaruan!"
"I won't just be with me tonight."
"P-pero___"
"I miss your kisses, honey. I miss you.
Gusto ko muli maramdaman ang mga yakap mo at____"
"Stop!"
Napalunok si Lovella sa mga pinagsasabi ni Dalton.
At na-realized niyang gusto nya rin mayakap at makasama muli ang binata.
"Love please.....
Pumasok si Lovella sa kwarto niya para ituloy ang usapan nila ni Dalton.
Nasa tabi niya kasi si Dolan at alam niyang nakikinig ito sa usapan nila ng lalaki.
"A-ayaw kunang pumunta sa unit mo.
M-maraming reporters na nag-aabang sa akin diyan."
Napakagat labi siya matapos sabihin iyon.
Ngunit wala siyang magawa kaylangan niya pagbigyan ang kagustohan ni Dalton na magkita sila.
"Then, ako ang pupunta diyan?"
"Huwag!" napalakas na salita ni Lovella sa kausap.
"So,pano tayo magkikita?"
"K-kung gusto mo, magkita nalang tayo sa labas.
"Saan?"
"E-ewan ko." nanlalambot na napaupo si Lovella sa kama niya.
Ilang saglit na hindi kumibo ang binata sa kabilang linya.
Mukhang nag iisip ito.
"Kung gusto mo, daanan na lang kita diyan paparada ako sa basement parking ninyo at doon kita hihintayin."
Napakunot nuo naman si Lovella sa sinabi ng binata.
Naisip nito kung bakit pati basement ng unit niya ay alam nito.
"S-sige. pero kung puwede, mamayang eleven nalang kapag tulog na si Dolan?"
"Okey. I'll wait for you. Bye now."
Tulalang napatitig sa kawalan si Lovella.
"God!" ano ba itong ginagawa ko?"
Bakit ako pumayag sa gusto niyang mangyari?"
At ano bang gusto niyang gawin sakin?
May asawa na siya, and yet, pinipilit niya akong makipag kita Sakanya ngayon?
Gusto niya ba talagang sirain ako sa mga fans ko?
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego