BESTFRIEND I LOVE YOU

37 1 0
                                    

SA ISANG private resthouse sa labas ng lungsod siya dinala ng binata.

Ang kabuuan ng lugar ay napapaligiran ng matataas na pader at hinding hindi makita ang sinumang nasa loob.

"Bakit dito?" maang na tanong ni Lovella kay Dalton nang makabalik ito sa kotse galing sa pag bukas ng gate, para makapasok sila sa nasabing resthouse.

"This is private, at walang makakakilala sayo dito. Dahil tayo lang dalawa ang tao sa bahay na to.

Hindi nalang kumibo si Lovella.

Hanggang sa tuluyang makapasok sa maluwag na solar ang kotse nito.

Dalawang palapag ang bahay na yari sa kahoy at kawayan, buhat roon ay tanaw na tanaw ang dagat. Na malinaw ang tubig dahil sa sikat ng buwan.

"Halika, doon tayo sa taas malamig dito."

Sabay lahad ng binata ng kamay para rito.

Walang kibong tinanggap nalang niya ang kamay nito at sumunod sa paghakbang ng akayin siya nito patungo sa loob ng bahay.

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon