"SINO ang lalaking yan?"
Paitsang inilapag ni Mr Cortez ang newspaper sa center table.
Napabuntung-hininga nalang si Lovella sa pinakita nito.
"Isa siyang dating kaibigan,"
Balewalang sagot niya dito.
"At yan ang gusto mong sabihin sa mga fans mo na nagtatanong kung bakit kalian nakabuo ka na nang image na isang disenteng artista.
Saka ka pa napabalitang nakipag-one night stand sa isang lalaki?"
"Ang tagal na ng issue na yan di ba pa tapos hanggang ngayon?"
Naiiritang sagot ni Lovella
"Oo, dahil yan ang totoo!"
At hindi ako nakipag one night stand sa lalaking yan!"
"Pero bakit ayaw mo lumantad at makipag-usap sa mga reporters para maliwanagan na ang issue na yan.
Iritanong tanong narin ni Anna sakanya.
"What for? Hindi rin naman sila maniniwala sa sasabihin ko.
Isa pa pagod na pagod na ako kasasagot sa lung anu-anong tanong na binabato nila sakin.
"Ah, ganoon? At pagod kana rin sa kasikatan mo ganon?"
Natigilan si Lovella, hindi dahil sa sinabi nang kanyang producer, kundi sa ibig sabihin ng kanyang sinabi.
Gusto na nga Ba niya mag-quit sa showbiz?
Pero sayang ang 12 years niyang pinagpaguran.
At pinagtiisan para lang hindi makasama ang matalik na kaibigan noon."Ano, bakit hindi ka makasagot?"
Untag ni Mr C. Sa kanya.
"I'm tired, mr Cortez. Bigyan nyo ako ng ilang araw sasagutin ko lahat na mga tanong na yan.
"Ano? At maghihintay pa kami ng ilang araw para malinawan sa issue na yan.
At paano kung makabuo ng kung anu-anong conclusion ang mga fans mo tungkol sa lalaki na iyon?"
"Wala na akong magagawa sa bagay na yan mr cortez and besides, this is showbiz. Kung may negative mang write-up about sakin.
Siguro naman, matatakpan iyon kapag may lumabas na positive write-up sa akin."
"That's bullshit!" galit na tumayo si mr cortez at humakbang patungo sa pinto.
"Kapag nag-flop sa takilya ang pelikula mo, it's your fault!
At hindi ako makakapangako na matutupad pa ang two years contract na pipirmahan mo sa akin!
At tuluyan na itong lumabas.
Napasunod narin si Anna rito.
Napaupo nalang si Lovella.
"Pano na yan?" naupo sa tabi niya si Dolan.
"Baka nga maapektohan nang husto ang career mo?"
Lalo na sa mga naglalabasan balita tungkol sainyo ng lalaki na yan.
"Hayaan mo na."
Napakamot na lang sa ulo ang kanyang alalay.
Nanibago ito sa inasta niya na parang walang concern sa pinaghirapan nito.
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
Fiksi PenggemarENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego