LOVELLA SAMANIEGO, missing!
Nasaan na nga ba si Lovella?
Nagtatago na dahil buntis?THE RISE AND FALL OF LOVELLA SAMANIEGO!
Lovella samaneigo kabit ng isang mayamang negosyante at nang mabuntis ay iniwanan!"Ahhhh.....kandaiyak na pinagpunit-punit ni Lovella ang mga diyaryong ipinabili niya sa ina.
"Anak, kung alam ko lang na maapektuhan ka ng ganyan, hindi ko na sana ipinabili ang mga yan.
Mula ng umuwi ka dito sa Zambales mag dadalawang buwan na naparang wala ka sa sarili mo anak.
Masuyong hinagod ni Luisa ang likod ng anak.
"N-no, mommy, I'm okay.
Nakakagigil lang ang mga balitang yan.
Talagang maraming taong gusto akung pabagsakin. Anyway, wala naman akong pakialam sa kanila.
Ang mahalaga, dinadala ko ngayon ang anak namin ni Dalton."
Masuyo nitong nahagod ang impis pang puson.
Awang-awa naman na naupo si Luisa sa tabi ng anak.
"Anak, basta tandaan mo, lagi kaming narito ng daddy mo. Kahit anong mangyari, kami pa rin ang kakampi mo,"
Tuluyan nang napaiyak si Lovella sa sinabi ng ina.
"S-salamat mom, napakamaunawain ninyo sa kabila ng nangyari sa akin. P-pero gusto ko mang ikahiya sa inyo na nagpabuntis ako ng walang kikilalaning ama ang anak ko, hindi ko magawa.
Mahal na mahal ko ang batang ito at hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa amin ni Dalton.
Bago siya tuluyang nawala sa akin."
"Anak, wala namang nagsasabi na dapat mong ikahiya sa amin ang nangyari sayo.
Nariyan na yan. At alam namin hindi ka kayang ipag palit ni Dalton sa anumang bagay na bumabagabag sayo ngayon.
At isa pa, apo namin ng daddy mo ang batang yan.
Tanggap namin siya ng maluwag sa aming kalooban.
"Saka hindi mo ba alam na si Dalton talaga ang lalaki gusto namin para sayo.
Gusto naming magiging ama ng mga anak mo.
Sayang na nga lang dahil hindi na kami nagkikita ni Tita mo Eula."
"S-salamat po. Naiinip na tuloy akong manganak.
Para makadagdag siya sa kakampi ko.
Nakangiting turan nito sa ina.
"Wag mo siyang kainipan. Lalabas din naman yan. At kapag nakapanganak kana, puwede kana uling bumalik sa showbiz at___"
"Ayaw kuna po, mag artista."
"Ha? Bakit naman?"
"Nakakasawa ang intriga sa showbiz, mommy.
Gusto kong lumaki ang anak ko na normal ang paligid.
Ayokong mamulat siya sa magulong mundo na pinaggalingan ko."
"Pero sayang naman ang pinaghirapan mo anak."
"Mas sayang naman po kung masisira ang buhay ng anak ko.
I want to give her the best of everything.
Ang panahon ko, ang pagmamahal ko, ang lahat ng sa akin."
Hinawakan ni Luisa ang kamay ng anak.
Awang awa man ito sa anak, wala naman itong magagawa kundi manatili lang sa tabi nito.
"Magpahinga ka muna.
Huwag kana umiyak dahil makakasama sa baby mo yan."
"O-oho. Pinipilit ko naman po na huwag maapektuhan ng mga nangyayari.
Ayokong maging miserable ang pakiramdam sa unang pagbubuntis ko."
Pilit ang ngiting sumungaw sa mga labi nito.
"Sige ho, matutulog muna ako."
(Kunting kimbot nalang happy, happy na!)
:) bawal ang ending happy lang lol.
Short story lang po ito.para isang bagsakan di ko carry ang update2x kasi nakakalimutan ko ung flow ng story kaya as long na gumagana at may laman pa ang utak ko go..
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego