"ALING pacita, kumusta na po ang alaga nating lovebirds?"
Nakangiting tanong ni Dalton sa matandang naninilbihan sa kanila nito sa cebu.
Nang maayos niya ang kunting problema ng branch nila dito sa cebu, ay agad siyang tumuloy sa dati nilang bahay sa carcar.
Hindi agad nakapagsalita ang matanda.
Tila hindi ito makapaniwala sa ngiting nakaguhit sa kanyang labi.
Sanay kasi sa kanya ang mga katulong na palaging pormal ang mukha at hindi man lang ngumingiti.
Kaya ilag ang mga ito sa kanya.
"Aling Pacita, yung ho kakong mga love birds, kumusta na?"
Pag-uulit niya.
"N-Naku, okey, lang Dong Dalton!
May ilan na ngang nangitlog."
"Talaga ho?"
"Oo, Dong. Ilang araw pa at mabibiyak na ang mga itlog.
Madadagdagan naman yang mga love birds,"
"Mabuti naman, mas dadami sila."
Nagtungo siya sa isang bahagi ng garden nila kung saan sama-samang naroroon sa malaking kuwadradong hawla ang mga lovebirds.
"Kumusta na kayo?" masayang bati niya sa mga ito.
Nagliparan ang ilan. At napansin niya halos pares-pares na ito.
Napangiti siya ng makita niya ang Lovebirds na siyang kauna unahan niyang binili Noon.
Naalala niya si Lovella madalas niyang ihambing ito sa mga lovebirds lalo na nung maliit pa sila.
Sobrang sweet nito kahit minsan ay may pagka spoiled brat ito.
Kaya nga bumili siya ng Love birds noon nung nagbakasyon siya dito sa cebu noon.
At di manlang siya naabutan ng isang linggo dahil tinawagan na siya ng Mommy ni Lovella agad, dahil hindi daw ito kumakain at iyak lang ng iyak. Dahil hinahanap siya.
Kaya madalas niyang ihambing ang buhay nila bilang pagkaibigan sa love birds na pag nawala ang isa malulungkot ang isa.
At tulad ng love birds sobrang sweet at mahal na mahal ang isa't isa.
Di nga ba may kasabihan na kapag namatay ang isang love birds, ang naiwan noong kasuyo ay hindi na rin hahangarin ang mabuhay pa.
Susunod na iyon sa yumaong ibon.
"Kaya umaasa siya na sana maging ganun nga ang buhay nila ni Lovella.
Parang lovebirds".
Kinuha niya ang pagkain ng mga ibon at pinakain ang mga ito.
(Ahahaha ansabi ng lovebirds lol)
Tama ba yung spelling ko ng carcar?"
:) feeling bisaya muna ang peg natin ngayon.Maayong adlaw cebu."
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego