Ang haba ng moment ng pagsasayaw nila huhu ito pa.
NAPAPIKIT siya at nasapo ng isang palad ang noo.
"Tired?"
"N-no. Nahihilo lang ako. Naparami ata ang nainom ko kanina.
"Do you want us to get out of here?"
"H-ha?" S-saan naman tayo pupunta?"
Buhat sa mapusyaw na liwanag ng ilaw ay naaninag niya ang mukha ng kaibigan.
Nakita niya ang simpatikong ngiti nito sa labi.
"Bakit" natatakot kana ba saakin ngayon?"
Saka bahagyang hinigpitan pa nito ang hapit sa baywang niya ng braso nito.
Tila nag unahan sa pagtibok ang puso niya nang mga sandaling iyon.
At ang ngiting yon ang madalas na tumutunaw sa kanyang murang damdamin noon.
"S-sige." at bago pa niya naisip kung tama ang kanyang pagpayag, nasabi na niya iyon.
„Sasama ka sa akin?"
"Nagyayaya ka, hindi ba?"
Namumungay ang matang tanong ni Lovella sa binata. Unti-unti na yata talagang umiipekto sa kanyang utak ang espirito ng alak na nainom niya kanina.
Lalong lumuwag ang ngiti sa mga labi ni Dalton.
"Well, it's my preasure na makasama ka uli."
"So, lets get out of here?"
"Sure!" masiglang wika ng binata dito.
Magkahawak kamay na nilisan nila ang bulwagang iyon.
At kung may mali man sa kanyang ginawa, who cares?
Ang mahalaga, binigyan siya ng pagkakataon ni Dalton na makasama sa gabing iyon.
At baka-sakali sa ganuong paraan ay makabawi man lang siya sa kanyang kaibigan. Sa mahabang taon na di sila nag kita noon.
Sa labas ng GU, iginiya siya ni Dalton pasakay sa isang kotseng itim.
Walang kibong sumakay si Lovella roon.
Gayunpaman, nasulyapan niya ang isang reporter na may hawak na camera. Kasunod niyon ay bahagya siyang nasilaw sa liwanag ng flash bulb ng camera nito
"Hey!"
Ngunit mabilis na itong nakalayo.
"Sino yon?" kaswal na tanong ni Dalton nang makaupo na ito sa driver's seat.
"I-isang reporter. Kanina ko pa napuna na sinusundan niya ako, hindi ko nga lang pinansin,"
Palingon-lingon na tugon niya habang papalabas, ng parking lot ang sasakyan nila.
"Sa tingin mo, naghahanap sila ng intriga tungkol sa iyo?" kaswal paring tanong ni Dalton.
"S-siguro m-may bago kasi kaming pelikula na ipapalabas next week."
Bahagyang niyang sinulyapan ito.
"Talagang walang pag babago sa mundong ginagalawan mo ano?"
Maintriga, pero masaya.
Magulo, pero maraming pera."
Sa pandinig ni Lovella sa sinabi ng kaibigan ay punong puno na sarkasmo ang tinig nito.
At hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagtagis ng mga bagang nito at paghigpit ng hawak sa manibela.
Napabuntong hininga nalang siya at napasandal ang ulo.
Sa sandalan ng upuan.
"Well, that's my life. And tha's the price i have to pay." saka niya ipinikit ang mata.
"Sleepy?"
"No, medyo nahihilo lang ako."
"You can sleep for a while. Gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo sa pupuntahan natin."
"O-okey." gusto na naman niyang magtanong kung saan ba sila pupunta, ngunit pinigil niya ang sarili.
Kung saan man siya dalhin ni Dalton.
Bahala na ang mahalaga napag bigyan niya ang kaibigan sa ngayon.
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego