NAPAKAGAT-LABI si Lovella.
"Di mo man lang ba ako kukumustahin kung ano ang nangyari sa buhay ko ng nasa america ako?"
Bahagya pa siyang hinapit nito sa baywang.
"O-oo nga pala, kumusta ka na?" gusto niyang bahagyang itulak ang binata, ngunit hindi niya ginawa. Baka mahalata nitong naiilang na siya sa presensiya nito.
"I'm fine."
"I-ilan na ang anak mo?" out of the blue ay naitanong niya sa kaibigan.
Somehow, gusto niya lang alamin kung wala pa itong asawa.
Bahagya naman napakunot ang noo nito.
"Bakit, talaga bang wala kanang naging balita sa akin?" kaswal na tanong nito.
"W-Wala," pagsisinunaling niya. "Noon kasing lumipat kami sa greenhills, sumunod na rin naman si Tita Eula sa inyo sa america hindi ba?"
"Oo nga pala. Ibinenta na rin kasi nila ang bahay namin na katabi ng bahay niyo.
At muli ng nanahimik ang binata.
"I-Ilan na ang anak mo?" ulit niya sa tanong.
"Tatlo," walang kagatol gatol na sagot nito.
Tila kinurot naman ang puso ni Lovella sa narinig. Ibig sabihin niyon. Hindi totoo ang nabalitaan niya.
"Love..." mahinang anas ni Dalton sa pangalan niya habang nagsasayaw sila.
At sa kauna unahang tagpo ngayon lang uli siya tinawag nito sa ganun pangalan uli.
Ito ang madalas itawag sakanya ni Dalton noon. Samantala ang mga barkada naman nito ay Princess ang tawag sakanya.
"H-ha?" napatingala siya rito.
At saka lang ni Lovella napuna kung gaano na nga kalaki ang binago ng kaibigan pati sa taas nito halos hanggang dibdib nalang siya nito.
Kung sabagay mataas na nga ito noon pa ngunit mas nadagdagan ata ngayon.
At naiilang man si Lovella dahil parang hindi manlang siya tumangkad simula ng iiwan siya nito hanggang ngayon.
Siguro nag bago lang ang figure niya pero ang height niya. Parang tumaas lang ng kunti simula ng elementary siya kaya kung titingnan para lang siyang high school sa taas niyang iyon.
"Ilan taon din kitang hinintay na dumalaw sakin sa america."
"Eh, h-hindi kasi ako___"
"It's okay. Naisip ko rin naman sa ganda ng career mo dito sa pilipinas, sigurado akong busy ka lagi.
Pero ang sakin lang kahit man lang nag bakasyon ka sana doon.
Napakagat labi nalang si Lovella
"S-sorry____"
" I understand."
"S-sa tingin ko naman mas, gumanda na ang buhay mo ngayon.
Ewas ni Lovella sa topic nila.
"Yeah! Of course! Life must go one kahit gaano kalungkot ang magkalayo tayo.
Pinilit kong magtapos ng pag-aral kahit na malayo tayo sa isat isa.
So, here i am, successful businessman at the age of twenty seven. And somehow, gusto na rin kitang pasalamatan.
Kung hindi tayo nag hiwalay ng landas siguro hindi ko narating ang nakamit ko ngayon.
"O-oo nga naman."
Gusto niyang isipin na totoo sa loob ni Dalton ang sinabi nito. Ngunit nararamdaman niya ang kalakip na pagdaramdam sa tinig nito.
"Ikaw, may regrets ka ba na nag hiwalay tayo noon?"
"H-Ha?" hindi ni Lovella alam kung saan niya hahagilapin ang isasagot sa tanong nito.
Kaya napayuko nalang ito.
"Huwag mo nang sagutin, alam ko naman ang sagot mo.
Malamig na tinig ng Binata.
Nagpatuloy sila sa pagsasayaw. At sa pagkakalapit ng mga katawan nila, tila nahihilo si Lovella. Nakapangangatog ng tuhod ang init na hatid ng dibdib nito na halos nakalapat na sa dibdib niya.
Gayunpaman, gusto niyang isisi ang nararamdaman sa nainom niyang margarita kanina.
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego