NAPABALIKWAS nang bangon si Dalton nang masilaw siya ng sikat ng araw na pumapasok sa bintana ng kwarto niya.
"Love!"
Ngunit katahimikan ang sumalubong sa kanya.
Nang lingonin niya ang higaan nito ay wala na ito roon.
"Lovella!" napabilis ang alis ni Dalton sa kama at tinakbo ang banyo.
Nang hindi makita roon ang dalaga, sa kusina at sala naman niya hinanap ito.
"Lovella..." Napahilamos nalang si Dalton ng kamay sa mukha at naupo sa sofa
Akala ko magigising na ako sa umaga na mukha mo ang makikita ko.
Napabuntung-hininga nalang ito at dinampot ang telepono.
"Hello?"
"Ah, hello! Can i talk to miss Lovella Samaniego?"
Wika ni Dalton nang hindi boses ni Lovella ang sumagot.
"Ay, sorry po sir, wala ho dito si ma' am Lovella kagabi pa pong hindi umuuwi.
"Saan daw nag punta?"
"Hindi ko po alam, hindi sinabi, eh pero baka ho may shooting, sila kagabi at hindi pa ata tapos.
"Sige salamat nalang.
Matagal nang naibaba ni Dalton ang telepono, ngunit hindi pa rin siya mapalagay.
Katok sa pinto ng kanyang unit ang pumukaw sa pag iisip niya.
"Sandali!" napabilis ang mag bukas niya ng pinto sa pag aakalang si Lovella ang bumalik.
"Sir, rasyon niyo pong diyaryo."
„Salamat."
Napabuntong hiningang bumalik sa sofa si Dalton at inilapag sa center table ang newspaper.
Pagkatapos nang nagyari satin kagabi Lovella hindi ako papayag na iiwan mo nalang ako ng basta basta.
Magbabayad ka sa ginawa mong pag iwan sakin na to.
Napahilamos sa mukha na iling iling ni Dalton.
Nang mapasulyap siya sa diyaryo.
LOVELLA SAMANIEGO , NAKIPAG-ONE NIGHT STAND SA ISANG MAYAMAN AT SIKAT NA BUSINESSMAN.
Shit!
Napamura si Dalton ng mabasa ang balitang iyon.
Nang tunghayan niya ang kabuuan ng balita.
Maraming nakakita sa kilalang aktres na may kasamang isang guwapo ngunit hindi taga showbi, na lalaki.
At ayon sa reliable source na.
nakakita ang dalaga na pumasok sa unit ng lalaki at umaga na nang makitang lumabas ito.
Bukod doon ay may larawan kuha nang pasakay si Lovella sa kotse ng nasabing Lalaki.
At may mga picture ngang nakuha kay Dalton pero puro tagilid ang binata sa mga litrato na nakuha nito.
Ano kaya ang gagawin nila sa loob ng saradong silid mag lalaro ng bahay bahayan?"
Malisyosong saad pa sa naturang pahayagan.
"Bullshit! Ang dumi talaga ng utak ng reporters na gumawa nito.
Gigil na muling dinampot ni Dalton ang telepono at tumawag sa isang taong pinagkakatiwalaan niya.
(Ansabi ng balita?" hahaha maka showbiz lol!" )
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego