(AFTER 12 years)
MAY I have this dance?"
Napapitlag si Lovella at awtomatikong nabalik sa kasalukoyan ang kanyang pag iisip.
Nang tingalain niya ang may-ari ng tinig,
Na yon. ganun nalang ang gulat niya kung sino ito.
"D-Dalton?"
Tila naninigurong tanong niya.
Kasunod niyon ay naibaling niya ang paningin sa kabuuan ng Gonzaga University.
Sa ilang saglit ay pilit niyang hinagilap sa isip kung anong okasyon ang nagaganap sa GU.
JS ba namin? Graduation ball.
At siya ang escort ko?"Muli niyang ibinalik ang paningin kay Dalton na pormal na pormal ang mukhang nakatitig pa rin sa kanya.
"Lovella, i said, may i have this dance?"
Muling tanong nito sa sabay lahad ng palad nito.
Ipinilig ni Lovella ang ulo.
Nang muli niyang ilingap ang paningin sa paligid, saka lang niya nakita ang mga pamilyar na mukha ng kanyang mga kaklase at ka-schoolmate.
Halos karamihan ng mga bisita ay nagsasayawan na sa gitna.
Ang iba naman ay abala pa rin sa pag-uusap.
At sa ayos at bihis ng mga ito, hindi na sila mukhang mga studyante.
They are matured people now.
Muli siyang napatitig sa mukha ni Dalton.
At ngayon malapitan niyang nakikita ang mukha nito.
Sa kanyang paningin ay lalo yata itong gumuwapo At tumangkad.
At hindi na ito schoolboy ang dating kundi isang dignified person.
Saka lang tuluyan luminaw sa kanyang isip ang mga nagaganap.
"Lovella?" kunot noong untag ng binata sa dalaga.
"H-ha ah, s-sige!" kasabay niyon ay tinanggap niya ang palad ni Dalton.
At ayaw man niyang isipin, tila pagkakamali ang kanyang nagawa na tanggapin ang palad nito.
Dahil sa lumipas na ilang saglit, ang mga daloy ng kuryente at kiliti sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao ay tila gustong magpangatog sa kanyang tuhod.
At iyon ay dahil lang sa simpleng paglalapat ng mga palad nila habang humahakbang sila patungo sa gitna upang magsayaw.
BINABASA MO ANG
♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥
FanfictionENRIQUE GIL KATHRYN BERNARDO ★Bilang★ Dalton Valderama Allegro Lovella Matthew Samaniego