BESTFRIEND I LOVE YOU

34 1 0
                                    

"NAPANOOD ko ang inerview sayo kahapon,"

Wika ni Dalton habang naka higa ito sa kama at pinapanood ang pagba-brush ni Lovella ng mahabang buhok.

Natigilan siya at sinulyapan ang lalaki sa harap ng salamin.

"I-i'm sorry, masyado naman ako matatawag na denial queen kung ikakaila ko ang tungkol sayo.

But don't worry, may limitasyon naman ang pagsalita ko."

Pinakikiramdaman niya kung magagalit ito.

"It's okay, ikaw lang nga ang inaalala ko. Baka maging masama ang image mo sa mga tao dahil sa balitang nakipagtagpo ka sa___"

"It's all right. At least nanatiling misteryoso ang lalaki sa buhay ko."

Tumayo na siya mula sa harap ng tokador at naupo sa gilid ng kama.

"Ang mahalaga, may pagkakataon tayong magkasama kahit sandali lamang,

Napabuntong-hiningang bumangon si Dalton at hiniya siya palapit.

"Whaat if, may makakilala sa akin?" ano'ng gagawin mo? Ide-deny mo ba ako?"

"Well, depende sa sitwasyon. Kung caught in the act na tayo, why not?"

Napailing nalang si Dalton"

"Da, pagtatalunan pa ba natin yan?"

Marahan niyang hinaplos ang pisngi nito.

Sukat sa gesture niyang iyon ay muling lumambot ang anyo ng mukha ni Dalton.

"Okay, hindi na ako makikipagtalo. But for the meantime, come closer. Gusto kong lubus-lubusin ang gabing ito na magkasama tayong dalawa.

Baka abutin ng ilang linggo bago tayo magkitang muli.."

"B-bakit? s-saan ka pupunta?"

Biglang lumungkot ang boses niya at kinabahan.

"Tumawag si daddy last day, pinapauwi ako sa cebu.

May problema raw ang isang branch namin doon at kaylangan ako ang personal na mag-aasikaso doon.

"Ganoon? Kilan ang balik mo?"

Malungkot na wika ni Lovella.

"One or two weeks is enough."

Napabuntong hininga nalang si Lovella at yumakap dito.

Natatakot siyang hindi na siya muling balikan ni Dalton.

(hellow" Cebu!!!!
Hahaha

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon