BESTFRIEND I LOVE YOU

134 3 3
                                    

"DALTON, naiintindihan ko na,
hindi ka na nakaluwas ng manila. Siguro pinapili ka na ng asawa mo,

Sa isip isip ni lovella habang nakatitig sa puting kisame ng kanyang silid.

Ang pinanghihinayangan ko lang, hindi mo malalaman na magkakaanak tayo.

Hinaplos niya ang impis na puson.

Pero sana, hanapin tayo ng daddy mo, baby.
Tiyak na matutuwa iyon.
Pero hindi naman natin siya aagawin sa totoo niyang pamilya.
Ipakikilala lang kita sa kanya. Saka tayo tuluyang lalayo.

Hanggang nakatulog siya sa pag iisip na yun.

Masusuyong haplos sa kanyang pisngi ang nagpabalik sa kanyang kamalayan.

"Love..."

Dalton....

Napangiti siya. Naisip niyang nananaginip siya na dumating ito.

"Love, wake up. I'm here.

Marami akong dala para sainyo ni baby ."

Natigilan ang naaalimpungatan niyang diwa.

Hindi ata bahagi ng kanyang panaginip ang tinig na narinig niya.

"D-Dalton!" nagulat pa siya nang mamulatan ang nakangiting mukha nito

Nakaupo ito sa kama at nakatunghay sakanya.

"Hi!" isang mabilis na halik sa labi niya ang iginawad nito sa kanya.

"I'm sorry, nagising kita.

Hindi ko kasi mapigil ang sarili ko na huwag haplusin ang mukha mo.

I missed you so much."

"D-Dalton...."

Dahan-dahan siyang napaupo sa kama at tumaas ang kamay niya at dalawang palad na sinapo ang mukha nito

"Oo nga narito ka! Hindi ako nanaginip lang!

Naiiyak na wika niya.

"Hey! At bakit naman ako magiging panaginip lang?

Of course, i'm here!"

"A-akala ko kasi hindi mo na ako babalikan."

Nanginginig ang mga labi niya habang nagsasalita.

"Of course not! Yan ang Hinding hindi ko magagawa Sayo. Natagalan lang ako ng uwi dahil dumaan pa ako ng bacolod may pinaayos pa si Daddy sa another branch din ng company.

At nang dumating naman ako sa unit mo wala ka doon at tinawagan ko ang mga kaibigan mo hindi naman sila nag salita kung asan ka.

"Galit na galit ako nang mabasa ko ang mga write-up tungkol sayo. Gusto kong isampal sa mukha ng reporters na gumagawa ng balita na yon. Na hindi kita iniwan, na hindi kita kabit.

Kaso nga ay hindi kita nahanap agad.

Nag bayad pa ako ng tao para lang mahanap ka.

"Ang thanks God! Si mommy mismo ang nakaalala na may nabanggit si Tita Luisa na may bahay kayo dito sa Zambales.

Kaya wala akong inaksayang oras at hinanap ko agad itong bahay ninyo.

"And know what? Nariyan sila mommy at Daddy sa baba, kausap ng mommy at daddy mo.

Pinag-uusapan na nila ang tungkol sa kasal natin."

"K-kasal?"

"Oo, hindi ba iyon nalang ang kulang na mangyayari satin?"

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon