BESTFRIEND I LOVE YOU

42 1 0
                                    

DAHIL totoong marami-rami rin ang nainom ni Lovella, tuluyan na siyang nakatulog sa pagkakasandig sa upuan ng kotse.

At ang sumunod na pangyayari ay hindi na niya alam.

Basta nagising na lang siya na tila may mabigat na nakadagan sa tiyan niya.

"Hm...." bahagya siyang gumalaw. Ngunit nang hindi siya makagalaw, pilit niyang iminulat ang mga mata.

"Saan ako___" natigilan siya.

Bago sa paningin niya ang silid na kanyang namulatan.

Malamig ang  aircon at giniginaw siya.

At lalong napamulat si Lovella  nang ma-realize niyang kaya ganoon na lang ang ginaw na kanyang nararamdamn ay dahil hubad siya sa ilalim ng kumot na bahagya lang nakatakip sa kanyang katawan.

Dalton, no!

At biglang bumalik sa alaala niya ang nangyari, awtomatikong napalingon siya sa katabi sa kama na iyon.

Mariing nakapikit si Dalton habang nakadapa at nakaharap ang mukha sa kanya.

At braso pala nito ang nakadantay sa may tiyan niya kaya siya nabibigatan.

No! Minsan pang sumigaw sa pagtutol ang kanyang isip ng may maramdaman siyang nagalaw sa kanyang katawan.

Ngunit tila naman nawalan siya ng lakas.

Ilang paglunok ang kanyang ginawa upang pakalmahen aNg sarili sa pagkabigla. Maya-maya ay muli niyang tinitigan ang mahimbing na pagtulog ni Dalton.

Kasunod niyon ay naalala niya ang ugat ng lahat ng iyon...


(Flashback)
"KANINONG pad ang pupuntahan natin diyan?"

Pahagikgik na tanong ni Lovella habang nakakapit sa bisig ni Dalton.

Tuluyan umipekto sa kanya ang nainom na margarita at ngayon ay magaan na mangaan ang kanyang pakiramdam at tila kaysaya-saya niya.

"Sa akin," nakangiting wika ni Dalton habang panay ang diin sa button ng elevetor na ayaw pang bumukas.

Mukhang lasing na rin ito at sa pagkakapit ng braso sa baywang niya ay tila hindi siya balak pakawalan.

"Talaga? Akala ko ba'y kauuwi mo lang galing america?"

"Yeah! Pero noon ko pa naman nabili ang unit na to. Para pag umuuwi ako dito ay may matutuloyan ako."

"Ah." napatango siya at dahil nahihilo na siya ay bahagya niyang isinandig ang ulo sa malapad na dibdib ng binata.

"Hindi ba't si Lovella samaniego yon?" wika ng receptionist na nasa bungad ng building na iyon.

"Oo nga!" bulong ng isa pang babae na katabi nito.

"Wow! Boyfriend pala niya si Mr Allegro, ano?"

"Naku, malaking scoop yan kapag nalaman ng mga reporters."

Nagkatinginan sila Lovella at Dalton nang marinig ang sinabi ng mga ito.

Maya-maya ay napangiti hanggang mauwi sa tawanan.

"Lagot ka, nakilala ka nila," kantiyaw pa ni Dalton sa dalaga

"So what?" hagikhik na tugon nito
Nang sa wakas ay bumukas na ang pinto ng elevetor. Palindang lindang parin humakbang sila papasok doon.

"Hey, watch out, babe!" wika ni Dalton nang muntik pa silang masubsub dahil nawalan siya ng balance.

"Opo!" saka niya muling isinubsub ang mukha sa dibdib nito.

Sa loob ng elevetor, halos magkayakap na sila ni Dalton.
Ngunit walang pakialam si Lovella. Kaysarap pa rin sa pakiramdam ang yakap ng dating kaibigan. At Bakit ba niya iyon pipigilan.

"Wow!" bulalas ni Lovella nang sapitin nila ang unit ni Dalton.

Very cozy ang kaayusan ng sala bagamat
Mapapansin lalaki talaga ang nagmamay-ari nito dahil kulay puti at itim ang kulay ng paligid pati carpet ay kulay itim at ang wallpaper kulay puti.

"Like it?"

""Of course!" at di na ni Lovella napigilan ang sarili kundi bumagsak na ito sa malambot na sofa. Isinandal ang ulo sa sandalan at ipinikit ang mata habang minamasahe ng daliri ang sariling sentido.

"Hey! Naupo sa tabi niya si Dalton.

"Nahihilo ka pa? Gusto mo ng hot towel?

"N-no. Gusto ko pang uminom." nang maramdaman niya ang init ng katawan nito ay muli siyang sumiksik sa katawan nito.

"Hin____"

"Ang saya ng pakiramdam ko at ayaw kung mawala yon kaya bigyan mo pa ako ng alak, gusto kong malasing,"
Malambing niyang anas sabay yakap ng mga braso sa leeg ng binata.

"Love___"

"Ah, basta! Ngayon lang ako sumaya ng ganito, ngayon lang ako nakatakas sa mga mata ng reporters, kaya pag bigyan mo na ako.

"Love." hindi puwede lasing kana oh"

"Da, alam mo bang lahat ng kilos ko ay binabantayan ng mga reporters? Kaya ako pa-demure lagi dahil isang pinapipitaganang aktres ang alam nila sa akin.

Ngayon narito ako sa pad mo, for sure ay walang mga matang nakatitig sa akin."

Bumitaw siya sa pagkayakap sa leeg ng binata at tumitig ito sa mga mata nito.

"Pero may kumuha ng picture satin kanila, may mga nakakita din satin na pumasok tayo sa pad ko. For sure , bukas laman ka naman ng mga magazines at newspapers ."

Umungol lang si Lovella at muling isinandig ang ulo sa dibdib nito.

"Bahala sila basta ako masaya ngayon, bigyan mo pa ako ng alak gusto ko pang uminom please?"

Napabuntung hininga na lang si Dalton.

"Are you sure?"

"Hmm..." tango niya.

(End of Flashback)

♥♥BESTFRIEND I LOVE YOU♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon