Chapter 09

15 2 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterNine

Chapter Nine

"Yes po, tama at kumpleto po." Sagot ko sa cashier na nasa counter ng iabot sakin ang order namin at tanungin kung tama ba ang naibigay at kung kumpleto na.

"Thank you ma'am and enjoy." Nakangiting saad nito sakin. Tumango lang ako saka kinuha yung tray doon sa counter.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa table namin dahil sa takot na baka matapon ko ang pagkain at inumin namin o di naman ay may mabangga ako. Nagpakawala ako ng malalim na hininga noong mailagay ko na sa lamesa namin yung tray.

"Lalim naman non Dhanny." Narinig kong saad ni Mara. Natawa naman ako dahil hindi ko namalayan na pinipigilan ko pala ang hininga ko kanina habang naglalakad ako.

"Oo nga eh, halatang pagod na sa kakulitan ni Loisa." Sagot ko kay Mara. Ngumuso naman sa akin si Loisa na tahimik na hinahalo ang inumin niya.

"Nananahimik na nga ako eh!" Inis na sabi nito. Tinawanan ko lang siya saka kinuha ang inumin ko. I took a sip on my drink ng magtanong ulit si Mara sa amin. May iniinom na rin ito na kape – she probably make it nung kinuha ko ang order namin sa counter.

"Kumusta naman kayo diyan? Bakit mukhang hindi naman kayo stress?" Tanong nito sa amin. "Hindi naman ata kayo napasok eh." Akusa pa nito sa amin.

The three of us scoffed at her in unison. Pare-parehas kaming hindi makapaniwala sa pang-aakusa ni Mara Faith Gomez. Siguro kung nandito lang talaga 'to sa harap namin at wala sa screen ay baka nasampal na naming tatlo 'to.

"Excuse me, FYI 31 units ang kinukuha ko ngayon at wala pa akong absent since Day 1 ng pasukan." Sagot ni Loisa dito.

"Excuse me also, pero halos 30 plates na ang nagawa at naiyakan ko ngayong term at wala pa akong failed quizzes since Day 1 ng pasukan." Sagot din ni Leah dito.

"At excuse me lastly, sobrang luwag pa lang ng sched ko at hindi kami loaded sa gawain kaya marami kong time." Sagot ko naman. It's the three of them now to looked and scoffed at me dahil sa sagot ko.

"Sana all!" Sabay-sabay na sagot naman ng mga ito. I just shrugged to annoy them more.

"Bakit ganyan? Bakit mukhang di naman kayo stress, Leah? Loisa?" Tanong ni Mara sa dalawa at masamang tumingin sa akin. "Epal mo Dhanny, wag kang ngumiti naiirita ako sa'yo." Sabi naman nito sa akin.

"Kasalanan ba namin na maganda kami Mara at hindi naaapektuhan sa toxic ng kurso namin." Sagot naman ni Loisa dito. Mara just gawked at her.

"Tigas ng mukha mo Loisa." Pabalang na sagot naman ni Mara. Balik na naman sila pag-aasaran. It took them 20 minutes after they stop bickering to each other.

We shifted our topic from school to asking and catching up about our families until it was shifted again and now we're talking about love life – which obviously I don't have.

"Ikaw Dhanny, are you dating someone now?" Tanong ni Mara sa akin. Ako na ngayon ang tinatanong nila dahil ako lang naman ang walang kasintahan sa amin.

Leah is happy and contented with her 7 years relationship with her boyfriend. Loisa is now again on dating after months of being single. Habang si Mara naman ay masaya din sa 5 years relationship nila ng Canadian boyfriend niya. Halos apat na tao din silang LDR ni Jack – her boyfriend dahil nagkakilala sila noong nasa Grade 9 pa lang kami. Ngayong college lang sila nagkita at nakapag celebrate ng anniversary which is fifth anniversary nila.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon