#ThatOnePlaceChapterFiftyTwo
Chapter Fifty Two
Panay ang punas ko sa pawis ko na tumatagaktak sa aking noo at leeg. Halos isang taon lang naman akong nanirahan sa North Carolina kaya takang-taka ako kung bakit parang hirap na hirap pa rin mag-adjust ang katawan ko sa init dito sa Pilipinas.
"Ano girl, kaya mo pa?" Natatawang tanong ni Hannahrie sa akin habang tinitignan akong panay punas at paypay.
"Hindi pa ba tayo papapasukin? Gusto ko na malamigan." Saad ko at muling sumilip sa bandang unahan, pero wala rin akong napala dahil mga kapwa graduate ko lang din na init na init na din ang nakita ko.
Halos thirty minutes na kaming nakatayo lang dito at nag-aantay kung kailan kami papapasukin sa loob. Nandito kami ngayon sa PICC at oo, ngayon na ang araw ng pagtatapos namin. The day that I am not ready for.
Nang makabalik kami ni Mara dito sa Pilipinas a week ago ay hindi agad ako bumalik sa university. Nagpahinga muna ako ng three days dahil sobrang lala nang jetlag ko. Magpalipat-lipat ba naman daw ba kasi ako nang bansa. But I didn't regret it naman, I missed it already actually.
Napa-ayos ako nang tayo nang sabihan kami na umayos na nang pila. The line was in alphabetical order, pero dahil may mga latin honors kaming magkakaibigan ay nasa unahan kami nang pila. Sa unahan din kami uupo mamaya para mabilis lang kaming maka-akyat ng stage kapag tinawag.
I graduated Summa Cum Laude. Hindi ko nga inexpect na makukuha ko ang latin honor na ito. Pakiramdam ko kasi sa loob ng apat na taon na nag-aaral ako ay parang hindi naman ako nag exert masiyado nang effort. But then I realize, ganito siguro talaga kapag mahal at gusto mo ang ginagawa mo. You think that you're just doing it nonchalantly, but other people see the love and effort you put in your work.
Kaya nga noong matapos akong mag compute ng overall grades ko at nakitang pasok ang GWA ko sa latin honors – at hindi lang basta latin honors kundi ang pinakamataas pa, ay halos hindi ako makapagsalita dahil sa gulat. Tanging naririnig ko lang nang mga oras na 'yon ay ang mabilis na tibok ng puso ko at ang tili ni Luhan at Hannahrie nang makita ang grades ko.
Magna Cum Laude naman si Miguel kaya halos magtatatalon kami sa tuwang magkakaibigan. Hannahrie, Luhan, Janssen and even Rusty they are all Cum Laude. Madami akong naririnig na sabi-sabi na dapat ay Summa Cum Laude rin sana si Rusty kung hindi lang daw ito nagkaproblema sa performances niya noong naghiwalay kami.
Hindi na lang ako nag react sa narinig. It was his choice naman after all, kaya bakit kailangan kong malungkot kung hindi niya nakuha yung dapat ay honor niya? It was all him, so I shouldn't feel sad or guilty. Hindi ko kasalanan.
"Hannahrie Lucy A. Brazil, Cum Laude," I clapped my hands as I watched Hannahrie stepped up on the stage together with her mom. Nakipagkamay siya at tinanggap ang diploma niya habang ang mommy naman niya ang nagsabit ng medal niya sa kaniya. They paused for a moment to take a photo saka nagpatuloy sa pagtawag ng mga pangalan.
"Janssen E. Fabian, Cum Laude," I clapped my hands again. Natawa pa kaming lahat dahil sa ginawang pag pose ni Janssen, kabaliwan talaga nito.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
General FictionDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...