Chapter 41

9 0 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterFortyOne

Chapter Forty One

I tried my best to ignore what Chantal said to me, but I can't help to think about it. Mali ba talaga ako ng hinala? Hindi nga ba talaga ako niloloko ni Rusty? Pero iba yung sinasabi nilang dalawa sa nakikita ko ngayon.


"RJ stop it, you're ruining my makeup!" Napalingon ako ng marinig ko ang boses ni Chantal. Kahit sila Luhan ay napatingin na rin sa kanilang dalawa.


"Paanong hindi masisira ang likot mo." Natatawang sagot din ni Rusty habang hawak-hawak ang pisngi ni Chantal at may kung anong ginagawa rito. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil nakatalikod siya sa amin.


Napalingon ako kay Hannahrie nang padabog itong tumayo at sinenyasan kaming dalawa ni Luhan na sumunod sa kaniya. Nagkatinginan muna kami ni Luhan bago tumayo at nagtatakang sinundan si Hannahrie palabas ng classroom.


"Saan kayo pupunta? Wait lang sama kami." Janssen asked at akmang tatayo na ito pero napahinto dahil inilingan siya ni Hannahrie.


"Girls talk." Simpleng sagot lang ni Hannahrie at hinawakan ang kamay namin ni Luhan at hinila palabas ng classroom.


"Bakit tayo lumabas?" Naguguluhang tanong ni Luhan habang naglalakad kami. Hindi sumagot si Hannahrie at tinulak lang kami papasok sa rest room.


"You can cry now." Hannahrie said as she looks at me. Halata ang pagka-inis sa kaniyang mukha. "I know you're suppressing your emotions kanina pa, kaya ilabas mo na 'yan." She added.


Napangiti ako dahil sa sinabi niya at bigla na lang siyang niyakap. Naramdaman ko rin ang pagtulo ng luha ko, pero alam kong hindi ito dahil kay Rusty. Umiiyak ako ngayon dahil masaya ang puso ko knowing that I have friends like them.


Naramdaman ko ang paglapit ni Luhan sa akin at ang pagtapik niya sa balikat ko habang umiiyak ako.


"It's okay Dhanna, you'll be okay," Luhan whispered as she keeps on gently tapping my shoulder. Tahimik lang din na hinahaplos ni Hannahrie ang buhok ko.


"I still don't understand Rusty. Bakit ganoon ang inaakto niya ngayon? Bakit hindi niya sinasabi sa atin – especially to Dhanna yung rason niya kung bakit nag-uusap na ulit sila nang babaeng 'yon." Hannahrie asked. Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya at pinunasan ang luha sa aking pisngi.


"Do you mean what you've said earlier, Dhanna? Are you breaking up with Rusty already?" Luhan asked me this time.


Napasandal ako sa sink at tinignan silang dalawa. They're both waiting for my response. Ang dali lang namang sagutin ng oo ang tanong ni Luhan, pero bakit hirap-hirap na akong bigyan sila agad ng sagot.


I keep on doubting my decisions. Do I really mean what I said earlier? Do I really want to end my relationship with Rusty already? Kung kanina ay buo na ang loob ko na tapusin na ang namamagitan sa amin ni Rusty, ngayon ay naguguluhan na ako.


My decision was shaken because of Chantal have said. Ayokong pakinggan ang sinasabi niya, pero hindi ko maiwasang isipin ito dahil parang may gusto siyang ipahiwatig. Na para bang gusto niyang sabihin na maling desisyon ang gagawin ko kung tuluyan akong makikipag-hiwalay kay Rusty.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon