Chapter 14

14 2 0
                                    

A/N: My schedule is still free until next week Tuesday, so here's another update! Enjoy =))


#ThatOnePlaceChapterFourteen

Chapter Fourteen

"Tapos ka na?" I was pulled back on my senses when Rusty Jay asked me. Umayos ako ng pagkakatayo saka tumango sa kaniya.


"Yes. Thank you." Saad ko sa kaniya. He just nodded and started to walk out of the kitchen. Sumunod naman ako sa kaniya. Naabutan namin sa sala sila Janssen at Miguel na umiinom ng beer na binili nila.


"Inom kayo?" Alok ni Miguel sa isang bote ng beer sa amin. Tumango naman ako saka kumuha ng isa.


"Ikaw Rusty?" Tanong niya kay Rusty Jay na tumabi ng upo kay Janssen. Inabot din naman nito agad yung alak na inalok ni Miguel sa kaniya.


I took a sip on the beer that I was holding. Tahimik lang kaming apat sa sala. Tanging ang ilaw na lang sa kusina ang nakabukas kaya medyo madilim dito sa sala. Nakakalahati ko na yung alak na inabot sa akin ni Miguel pero wala pa ring nagsasalita sa amin. Nang maubos ko ang isang bote ay nagbukas pa ako ng isa.


"Sa taas na ako guys. Tutulog na rin ako pagtapos ko dito." Paalam ko sa kanila.


Miguel nodded his head before saying good night, ganoon rin si Janssen na kanina pa abala sa cellphone niya at tila may problema. Tumayo na ako saka naglakad papunta sa hagdan para umakyat na sa kwarto.


I'm already at my last step ng maramdaman kong may humawak sa braso ko. I looked at my side and saw Rusty Jay staring at me seriously. I gulped at the intense stare he's giving me. Hinila niya ako papasok sa balcony ng bahay niya. When we stepped outside ay nilapag niya ang dalawang bote pa ng beer na hawak-hawak niya sa kabilang kamay niya.


"Bakit?" I asked him nang maupo ako sa isang upuan. I stared at the sky and notice that there's no stars in the sky tonight. Also, the moon was hiding behind those dark clouds, forbidding it to shine through the night. Tanging ilaw lang sa poste ng daan ang nagbibigay liwanag sa madilim na gabi.


Rusty Jay sat beside me. He took a sip on his beer before he looked at me, seryoso pa rin ang mga mata nito.


He heaved a sigh. Para bang may mabigat 'tong problema na dinadala. Uminom na lang din muna ako sa beer na hawak ko habang inaantay siya na magsalita. It's already 10 p.m. kaya malamig na ang simoy ng hangin, idagdag mo pa na October na rin.


"I'm sorry." Rusty Jay said breaking the silence between us. Lumingon naman ako sa kaniya para ituon ang buong atensyon ko.


"I'm sorry for how I acted earlier." He continued. Hindi ako umimik at nakinig lang sa sasabihin niya. I want to hear whatever he's going to say first bago ako mag react dahil kanina ko pa naman din inaantay na sabihin niya kung ano ba ang problema niya.


"Actually, hindi ko rin alam bakit biglang naging ganoon ang akto ko. Maybe because on what I have observed lately." He paused. Halos isang minuto na rin ang lumipas pero hindi pa rin siya nagsalita ulit.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon