Chapter 08

14 2 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterEight

Chapter Eight

"Hala? Seryoso? Torpe ka?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ko sa kaniya. He slowly nods his head while pouting. It's my turn now to laugh. Hindi ako makapaniwala. Mukha kasi siyang boy next-door type ng tao.

"Oo nga. Bakit? Hindi ka makapaniwala?" He asked me. I nodded my head earnestly.

"Yes. OMG. You look like someone who can court easily the person you like." Sagot ko sa kaniya.

He chuckled. Gago, bakit ganito ba 'to tumawa? Patagal nang patagal pasexy nang pasexy. Tapos pagwapo rin siya ng pagwapo.

"Sorry to burst your bubble Dhanna Alexandria, but I'm not." Saad niya at umiling pa.

"How come? Alin yung lie doon?" I asked him.

"Wala. All of them were true." Sagot naman niya. I looked at him with disbelief.

Akala ko ba 2 truths and a lie 'to? Anong nangyari at puro mga totoo ang mga sinabi nito?

"Wow, naglaro pa tayo ng 2 truths and a lie, sana pala puro truth na lang din sinabi ko mula pa lang." I sarcastically said to him. He just laughed at me.

"Explain to me, kung bakit ka No Girlfriend Since Birth, at kung bakit ka rin torpe." I said after a minute of just glaring at him.

Habang inaantay ko siya na magsalita ay binuksan ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. We still have 45 minutes left at apat na slice ng pizza na lang naman ang uubusin namin. I am really full now kaya feeling ko pag-uwi ay magtitinapay at gatas na lang ako for dinner.

I looked at him when he cleared his throat again. Namumula ang tenga at leeg nito kaya napakanot ang aking noo.

"Okay ka lang? Namumula yung leeg tsaka tenga mo." Tanong ko sa kaniya.

"Huh? A-ah, oo..." Natatarantang sagot niya. "Okay lang ako, mainit lang." Dagdag pa niya.

I looked at him weirdly. Anong mainit lang? Eh nasa tapat nga kami ng AC kaya ramdam na ramdam ko yung lamig kahit pa nga naka sweater ako.

"Tanga! Anong mainit, eh katapat nga natin yung AC." Sabi ko sa kaniya at mas lalong natawa ng mag pout na naman siya.

"Nahihiya ka bang ikwento sakin kung bakit ka NGSB at torpe?" I teasingly asked hm at iniwas naman niya agad ang tingin sakin. Mas lalo akong natawa dahil nag-iwas siya ng tingin sakin which only proves my suspicion was right.

"Rusty Jay, wag ka na mahiya, ako lang 'to." Biro ko ulit sa kaniya. Mas lalo siyang ngumuso at tinignan ako ng masama.

"Huwag ka na tumawa please, you're definitely enjoying my misery here." Sabi naman niya at kumagat sa pizza na kinuha niya. Tumango na lang ako at pinigilan ang pag ngiti dahil baka mamaya bigla na lang ihampas sakin ni Rusty Jay ang pizza pan na nasa harapan namin.

"Ubusin na muna natin 'to." Sabi ni Rusty Jay sabay kuha sa isa pang slice ng pizza. I also get one at tinulak sa kaniya yung pizza pan na may natira pang isang pizza slice para sabihin na ubusin na niya iyon.

"I'm full na, sa'yo na lang." Sabi ko ng taasan niya ako ng kilay. Tumango naman siya at binilisan ang pagkain sa pizza. Nang maubos namin ito ay inubos na rin namin yung drinks namin saka kinuha ni Rusty Jay yung tray na nilagay niya sa kabilang table kanina. We put the plate of lasagna, the glasses, and the pizza pan on it before standing and leave the Greenwich.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon