#ThatOnePlaceChapterFiftyFive
Chapter Fifty Five
Last Chapter
Decision making is the most hard and crucial skill every person should have. Kahit nga ang mga teacher na nagtuturo ngayong 21st century ay nahihirapan na maituro ang skill na ito sa mga estudyante nila. Bakit? Kasi kahit sila ay nahihirapan din mag desisyon para sa buhay nila.
We make decisions solely for ourselves. Pero sa mga desisyon na ginagawa at sinusunod natin ay hindi maiiwasan na may masasaktan tayo – maaaring ibang tao, pero maaari ring sarili natin. Madalas tayo ang nasasaktan, dahil madalas ang mga desisyon na ginawa natin ay pinagsisisihan natin sa huli.
Pero tao lang naman tayo. Hindi perpekto. We can't make a perfect decision. We are always bound to fail, hurt, regret, and make mistakes. But what's good after all of this is that we can come up with a new decision. Kasi natuto na tayo, nasaktan na tayo, at nagsisi na tayo.
At ang mas mahalaga ay nagpatawad tayo. Napatawad natin ang mga taong nakasakit sa atin dahil sa mali rin nilang desisyon, at higit sa lahat, napatawad natin ang ating sarili sa lahat nang paghihirap at sakit na pinagdaanan mo dahil lang sa maling desisyon.
"Hi! I know things are not easy these past few days and months... we're facing different problems and challenges. We feel different emotions every day – we feel upset, sometimes we're on our edge and the verge of crying, and sometimes – we just cry our heart out loud. And it's okay. Why? Because we're struggling to decide how we should continue living this life."
Life is not an easy sailing. Katulad ng dagat at karagatan, hindi laging payapa ang buhay dito sa mundo. Kahit pa na sabihin nating sumasabay na lang tayo sa agos ng buhay, madalas na nalulunod pa rin tayo sa sarili nating kalungkutan.
Dahil gaya ng mga alon na mataas ang agos, ganoon din ang mga desisyon na ginagawa natin sa ating buhay. Mas mataas ang takot na nararamdaman natin kaya naman mabilis tayong malunod sa kadiliman.
Isa lang ito sa mga bagay na natutunan ko sa mga nakalipas na buwan at taon.
"And it's okay... because it takes time for you to feel yourself again. It will take time for you to be okay again. And it takes a while for you to heal. So, to you, who have seen and read this, I hope this helps you to remind you that you have fought so many battles already. You have made good decisions in your life already.
You will continue to make wrong choices and decisions, but what matters is the lesson that you will get along with these mistakes and failures. So, keep on going and live your life to the fullest!"
Healing. Forgiveness. It takes a lot of time, energy, and will have this two in our life. Hindi ko alam kung bakit kung ano pa yung mas importante ay iyon pa ang mas mahirap na makuha at gawin. Na bakit patuloy at patuloy tayong nasasaktan sa tuwing inaasam natin ang paghilom at ang pagpapatawad.
"Wow! That's a great message Dhanna," Sir Jeffrey said after he preview the animation I did. "This is perfect; I know for sure that our client will love this work." He added and I just smiled at him.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
Fiction généraleDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...