Chapter 39

9 0 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterThirtyNine

Chapter Thirty Nine

Pagdating ko sa classroom ay typical na kaganapan lang ang nasaksihan ko, ganoon din naman noong mga nakaraang araw pero ngayon ay wala nang lumalapit sa akin at nagtatanong kung nasaan si Rusty. Tahimik akong lumapit sa pwesto nila Hannahrie na tahimik lang din na nag-aantay sa akin.


"Tahimik niyo, ngayon lang kayo nakakita ng Diyosa?" Pang-aasar ko sa kanila nang makaupo ako sa upuan ko.


Hannahrie snorted at my question, saka tinignan ako ng masama. "Gaga, ngayon ka lang kamo namin nakitang pumasok na mugto ang mata." Saad niya saka lumapit para mas matitigan ako.


Napalayo naman ako sa kaniya at naiilang na tinakpan ang ilalim ng mga mata ko. Nawala sa isip ko na mapapansin nga pala nila ito. Yumuko na rin ako at hinanap sa bag ko ang eyeglass ko para isuot ito at kahit papaano ay maitago nito ang mugto ng mata ko.


"Anong nangyari? Umiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong ni Luhan.


"Huh? Hindi... ay oo... oo! Nakakaiyak kasi yung pinanood ko na series kagabi." Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam bakit hindi ko sinabi sa kanila ang totoo. Siguro kasi ayoko na lang muna balikan at pag-usapan ulit yung nangyari kanina.


"Naniniwala kayo?" Tanong ni Janssen sa kanila. Sinamaan ko siya ng tingin at inambaan ng hampas. Natatawa naman siyang umilag at kinuha ang bag para ipangharang.


"Girl, sa amin ka pa talaga magsisinungaling?" Tanong muli ni Hannahrie. "Nagkita kayo ni Rusty? Nabasa mo ba mga message niya sa'yo saka sa GC? Susunduin ka raw niya ngayon ah." Sunod-sunod na tanong niya pa ulit.


Napabuntong hininga ako at tinitigan sila isa-isa. Nagdadalawang-isip kung ikukwento ko ba sa kanila o magsisinungaling na naman ulit ako. Pero bakit ko nga ba naisip na magsinungaling? Bakit ko gagayahin ang ginagawa ni Rusty sa akin? My friends are worried about me kaya sila nagtatanong, and I don't want to worry them more and make them feel like I didn't trust them.


"Yes, sinundo ako ni Rusty sa bahay, at hindi ko nabasa ang mga messages niya. Naka airplane mode ang phone ko plus naka-turn off lahat ng notifications sa social media ko." Sagot ko sa tanong ni Hannahrie. Hindi ko na muna ikukwento sa kanila ang mga narinig ko mula kay Rusty.


"Nasaan siya?" Migs asked, looking at me intently.


"I don't know. Bumaba agad ako ng sasakyan niya pagkadating namin sa parking." I answered honestly, omitting again the part where I burst out and walk away from him.


"Gago, bakit hindi sumunod sa'yo? Sabi pa naman niya sa akin babawi siya sa'yo ngayon." Janssen muttered.


Napa-iling na lang ako sa sinabi nito. Gusto ko siyang sagutin na baka sa iba babawi, hindi sa akin. But that will make this conversation long, and I don't have the energy to tell them the whole story. Sapat na muna yung sinagot ko yung mga tanong nila ng katotohanan.


Nahinto lang usapan namin ng dumating na ang professor namin. Nagbago na rin ang seating arrangement namin dahil may iilan kaming classmates na hindi pa tinetake ang subject na ito dahil may back subject pa sila rito sa prof namin na 'to.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon