#ThatOnePlaceChapterThirty
Chapter Thirty
December came and I am getting more anxious as day passes by. Wala pa rin kasi talaga akong maisip na birthday at anniversary gift kay Rusty. Kanina pa nga ako nagtatanong kay Hannahrie at Luhan at kanina pa rin kami nagpaplano ng magiging ganap namin.
"Mag o-out of town ba tayo ulit?" Tanong ni Luhan. Nandito kami ngayon sa cafeteria. Rusty, Migs and Janssen are somewhere here in university. Sila kasi ang nagvi-video sa isang short film na ginagawa namin. Another project namin sa isang major namin.
Kung noong first year kami ay play ang finals namin, ngayong taon naman ay puro short film ang pinapagawa sa amin. At as usual, magkakasama ulit kaming anim. Dahil nga sa project na 'to ay nakakapag-bonding na ulit kami.
Nakakainis kasi yung iba naming prof, laging by pair lang ang gusto kaya halos laging kami ni Rusty ang magkasama. Sa totoo lang buong November ay bilang lang sa daliri ko yung time na nag bonding kaming anim.
"Ang hassle mag out of town, peak season ulit 'yon eh. Saka mamaya di na naman natin maenjoy dahil baka biglang abutan na naman tayo ng bagyo." Sagot naman ni Hannahrie.
"I agree. Saka sobrang busy natin, may short film pa tayong inaasikaso. Mag party na lang ulit tayo sa bahay ni Rusty or kahit mag book tayo ng staycation sa Tagaytay." Sagot ko naman.
Ito na lang talaga ang naisip ko na gawin namin dahil halos lahat kami ay burned out na sa dami ng ginagawa sa mga subjects namin. I just want a simple yet intimate celebration with Rusty and my friends. Also, this will be the second time that we're going to celebrate his birthday, kaya mas gusto ko na kami-kami lang at hindi malayo ang pupuntahan para masulit namin yung oras na magkakasama kami.
"Ayun pwede tayo mag book ng staycation sa Tagaytay. Pero mas okay if we advance the celebration again katulad last year." Sagot naman ni Luhan. Napakunot ang noo ko dahil sa sinaad niya.
"Huh? Bakit kailangan natin i-advance? Do you have other plans ba?" I asked them. Umiling naman silang dalawa ni Hannahrie saka ito ngumisi ng nakakaloko sa akin.
"Girl, anniversary niyo sa birthday niya mismo. Ano gusto mo maki-crash din kami sa celebration niyo nun?" Pagpapaliwanag ni Hannahrie sa akin. "We will give you the time and privacy sa mismong birthday ni Rusty. So, sa 19 ulit tayo mag paty." Dagdag pa niya at kinindatan ako.
"Siraulo! You can stay naman eh." Sabi ko sa kanila. They both gave me a disgusted look na akala mo may sinabi akong bastos.
"Gusto mo panoorin namin kayo mag chukchakan?" Tanong ni Hannahrie na hanggang ngayon ay lukot ang mukha.
"Hoy! Bastos!" Sabi ko sa kaniya at hinampas ang braso niya. "Wholesome tayo dito sis." Dagdag ko pa at tawa na nang tawa. Siraulo, ang dumi talaga ng utak ng babaeng 'to.
"Weh di ka sure! Parang iba yung sinabi sa amin ni Rusty kahapon." Saad naman ni Luhan.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
General FictionDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...