#ThatOnePlaceChapterThirtyThree
Chapter Thirty-Three
Bakas din ang gulat sa mukha nila mimi ng makita nila ang ginawang paghalik ng babae sa pisngi ni Rusty. I was rooted on my seat. Hindi ko magawang tumayo at lumapit sa kanila dahil natatakot ako na baka may hindi akong magawang maganda sa babaeng nasa harapan namin ngayon.
"Sino 'yan?" Rinig kong tanong ni Ate Dianne sa tabi ko, pati si Ate Mirch ay umupo sa kabilang gilid ko.
"Chantal. Dating kaibigan at niligawan ni Rusty." Mahinang sagot ko na sila lang dalawa ang nakarinig.
"Luh, bat may paghalik sa pisngi. Sino sya dyan?" Asar na saad ni Ate Mirch at walang pakundangan na sinamaan ng tingin si Chantal.
Sakto namang napatingin ito sa gawi namin at nakita niya ako. She expressed her annoying smile once again.
"Dhanna, you're here pala!" She exclaimed na akala mo ay close kami. I rolled my eyes at her, wala na akong pake kung makita nila mamu Gemma at hindi sila matuwa sa ugaling pinapakita ko.
"Oo kanina pa." Sarcastic kong sagot sa kaniya. She was taken a back with my response. Ano bang inaakala niya? Magpapakaplastik ako sa harap ng mga kasama namin na okay kami? Hell would freeze pero hinding-hindi mangyayari 'yon.
"Bakit pala kayo nandito pre?" Tanong ni Rusty sa mga kaibigan niya at saka lumayo kay Chantal.
"Birthday mo eh. Hindi ka namin ma contact kahapon pa. Ayain ka sana namin salubong ng birthday mo." Sagot ng isang lalaki na hindi ko pa rin alam ang pangalan.
Hindi ko pa talaga nakikilala yung mga kaibigan ni Rusty. I mean, sobrang okay na kasi ako sa circle of friends namin. Si Migs at Janssen lang ang kilala kong kaibigan niyang lalaki. Never akong nagtanong sa iba pa niyang kaibigan, dahil wala rin naman akong balak na kilalanin at kaibiganin sila.
But I realized na hindi ko pa nga rin pala formally na napapakilala si Rusty kila Leah, Loisa at Mara. Bukod sa busy kami ay hindi talaga rin nagpaparamdam yung mga loka-loka sakin.
"Ah, sorry bro. Nag staycation kami ng girlfriend ko saka mga classmates namin kahapon eh." Sagot ni Rusty at doon napabaling ang tingin sakin ng mga kaibigan niya.
"Oh, hi! I'm George. Kaibigan ni Rusty since high school." Pagpapakilala sa akin ng kanina pa niya kausap.
"Hi, I'm Drew." Pagpapakilala rin ng isa. He looked like a geek and a book worm dahil sa specs na suot niya.
"Hi, I'm Keanu." Ang huling nagpakilala sakin. I smiled at them and introduced myself also.
"Hello, nice to meet you all. I'm Dhanna." I said to them. "By the way, these are my family." I also introduced my fam para naman aware sila na may kaganapan ngayon.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
Ficción GeneralDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...