Chapter 54

19 0 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterFiftyFour

Chapter Fifty Four

I parked my car in front of the restaurant that Rusty told me. Hindi muna ako agad bumaba ng sasakyan. I tried to calm down. Hindi pwedeng umiyak na naman ulit ako sa harapan niya. Isa pa, I need to brace myself to whatever he's going to tell me. I need to accept it after all.


Dahil sobra akong na-a-anxious ay nag text muna ako kay Clyde na magkikita kami ni Rusty ngayon. I also told him na puntahan ako pagkatapos namin mag-usap ni Rusty dahil alam ko sa sarili ko na kahit sinabi kong tatanggapin ko kung ano man ang pag-uusapan namin ngayon ay masasaktan ako at iiyak ulit.


From: Clydeee

Okay, just drop a text later. Pupuntahan kita, pero baka kasama ko si Leah pagpunta diyan dahil magkikita kami ngayon.


To: Clyde

Okay, thank you, Clyde, Ingat kayo.


After I sent my reply ay isang malalim na hininga muli ang pinakawalan ko bago lumabas ng sasakyan.


"Save your tears for another day, Dhanna," bulong ko sa sarili bago naglakad papasok sa loob ng restaurant.


The familiar feeling of nostalgia enveloped my whole system as I make my way inside the restaurant. Pinalibot ko ang tingin sa buong first floor pero hindi ko makita si Rusty doon kaya naman ay naglakad na ako paakyat sa second floor nitong restaurant.


Unlike downstairs, marami pang vacant table dito sa taas kaya naman hindi ako nahirapan na hanapin ang hinahanap ko. And there, on the farthest table seated the man who I devoted my love for. I take my time, dahan-dahan akong naglakad papunta sa pwesto niya. Pinagsasa ko rin ang aking sarili sa pagtingin sa kabuuan niya. His side profile is really the best asset of him. Na kahit kalahati lang ng kaniyang mukha ang nakikita mo ay masasabi mong sobrang gwapo niya.


Ang mabagal na lakad ko ay mas lalo pang bumagal nang unti-unti na akong makalapit sa pwesto niya. At ang ngiti na hindi ko alam na nakapaskil pala sa mga labi ko ay unti-unti ring nabura nang makita kong hindi lang pala siya ang mag-isa sa lamesa na iyon.


He's with someone. And that someone is Chantal.


Napahinto ako sa balak na paglapit sa kaniya. I was just rooted in my place, unable to move any muscle – just like last night. Napalunok ako na para bang may nakabara sa lalamunan ko. I also keep on clutching my fist, trying my best to calm down and not to break down again.


No, I can't break down now. I can't cry right now.


Kahit na parang pinipiga na ang puso ko sa sakit, at paulit-ulit kong nararamdaman ang pagkabasag nito ay pilit ko pa ring tinatagan ang aking loob. I just want for this feeling to be over. Bakit ganoon? Ako ang nagdesisyon na tapusin na ang relasyon namin dahil ayokong patuloy na masaktan pa, pero bakit parang ako yung hindi maka-usad?


It seems like I'm the only one stuck in the past. I'm the only one in that one place – unable to leave and move forward.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon