#ThatOnePlaceChapterTwentyOne
Chapter Twenty One
"So, Jean already finalized the script and you all agreed with the story flow naman na. Now that the script is settled, we can now proceed on the other tasks gaya ng casting, props men, sino magiging director, and other stuff na need para dito sa play." Miguel said after we form a circle.
Nandito kami sa isang vacant room para mag start na ng rehearsal para sa play namin. Inabot ng isang linggo ang pagrerevise ng script dahil medyo magkakalayo ang naging flow ng kwento ng tatlong grupo.
Gaya ng napagkasunduan at naging bunutan bago ang undas break namin, ang napunta sa amin na time and setting para sa kwento ay taon ng Martial Law. I am really amazed sa script na sinulat ni Jean. Nagkaroon lang ng minor revisions when it comes to some scenes na nakikita naming hindi magagawa sa auditorium.
"By the way, dahil tatlong grupo tayo and we came up with one theme, itong buong play natin ay may pamagat na Tagpuan." Miguel continued.
"Bakit tagpuan? Because we were going to highlight a different kind of stories that showcase love, sacrifices, and pain na mawi-witness ng isang natatanging lugar lamang." I said since I'm one of those who helped to craft this whole play.
"Sa grupo natin napunta ang time at setting noong Martial Law. Dahil lahat naman tayo ay nabasa na ang script, we we're now doing the casting. Hindi naman kasi pwede na lahat tayo aarte, o lahat tayo gagawa na lang ng props." I added.
Miguel was nodding his head in agreement with what I just said. "So, for this casting to happen, we were going to have a mini audition." He announced. Nanlaki naman ang mata ng iba naming kagrupo. "Don't worry, lahat tayo maga-audition. No exception." Miguel said.
"Migs, mag direct ka na lang. Kayong dalawa ni Jean na lang yung mag-sala kung sino sa amin yung pasok para sa character." Hannahrie suggested.
"Okay lang ba sa iba?" Miguel asked at tumango naman kaming lahat. "Okay, sige. I'll give you five minutes to read the script first. Then, after that proceed tayo sa script reading, yung character na itatry niyo ay mag babase sa mabubunot niyo mamaya." Migs added and explained to us what we're going to do.
After Migs gave us the go signal to read the script silently ay pumunta ako sa isang sulok para mag-internalize. Rusty Jay followed me at agad na umupo sa tabi ko.
"Nabasa mo na yung script ng buo?" He asked me as we scan the script.
I nodded at him, "Yeah, tatlong beses na." I answered. It's true, tatlong beses ko ng nabasa ang script dahil humingi na ng tulong sa amin ni Migs si Jean sa pagrerevise nito kaya naman medyo saulo ko na yung ibang lines.
"So, alam mo na paano mo ipo-portray yung iba't ibang character?" He asked once again while looking at me now this time.
"Medyo, pero kinakabahan pa rin ako. Baka hindi pala dapat ganoon i-portray." Sagot ko sa kaniya.
"Ako rin kinakabahan eh. Baka magkalat lang ako." Natatawang sagot niya. Napailing na lang ako at sinabihan siyang mag focus na kami sa pagbabasa muna.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
Художественная прозаDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...