#ThatOnePlaceChapterThirtySeven
Chapter Thirty Seven
I sat on the edge of the bed silently, agad din namang tumabi sa akin si Rusty. I can't help to touch his face. He looks tired and sleepless.
"Babe, I'm sorry." He uttered, breaking the silence that's surrounding us. Hinawakan niya rin ang kamay kong haplos-haplos ang pisngi niya. The warmth of his hand was enough to suffice the cold weather tonight.
"What is really happening Rusty? Bakit biglang ganito?" tanong ko sa kaniya. Hindi pa rin niya binibitawan ang pagkakahawak sa mga kamay ko.
"Hindi ko alam kung saan magsisimula pero –"
"Simulan mo doon sa hindi mo pagsipot sa akin noong enrollment. Doon naman nagsimula lahat nang 'to. Papalipasin ko na lang dapat 'yon, pero hindi mo rin ako sinundo noong first day of the sem, tapos makikita ko 'yon, ni hindi mo man lang ako sinabihan na kakausapin mo na ulit siya."
Hindi ko na napigilang putulin ang sasabihin niya. Hindi ko na napigilang ilabas ang sama ng loob na nararamdaman at kinimkim ko sa loob ng pitong araw. I know I sounded irrational and childish, but I can't help it.
Nagmukha akong tanga sa harap ng mga kaibigan at classmates namin. They know and they witnessed how Rusty avoid and treated Chantal before. Kaya yung makita nila kung paano ako nabigla at walang alam sa nangyayari sa pagitan nilang dalawa was the worst feeling I ever felt.
I felt betrayed.
"Babe..."
"Explain yourself now Rusty. Hindi ba ito yung dahilan bakit gusto mo akong makita."
Tinitigan niya ako ng taimtim at mas hinigpitan ang hawak sa mga kamay ko. Slowly he nodded his head and take a deep breath.
"Babe, nothing is going on between me and Chantal. I will never cheat on you. Hindi ko kayang gawin 'yon sa'yo." He said as he looks into my eyes.
He's sincere, I know. I can see that. Pero hindi ito yung inaasahan kong sasabihin niya sa akin. Alam kong gusto ko ring marinig na sabihin niya ito sa akin. I want to be assured na hindi niya nga ako lolokohin, pero hindi ito ang gusto ko ngayon.
I want to know his reason. Gusto ko malaman kung bakit hindi niya ako sinipot. Kung bakit hindi niya ako sinundo. Kung bakit nag-uusap na ulit sila ni Chantal. Kung bakit natiis niya yung isang linggo na hindi ko siya kinikibo. – na para bang mas pabor pa sa kaniya na ginawa ko iyon.
"So, bakit nga hindi ka sumipot nun? Bakit nag-uusap na ulit kayo? Anong nangyayari Rusty? Why are you keeping me in the dark?" I asked again. Right now, what I want is his answer, his explanation and not his assurance.
Because I know I will not be at peace even after his assurance kung hindi ko naman alam kung ano ang rason kung bakit niya ginawa iyon, kung bakit kami nagkakaganito.
Pero ilang minuto na ang lumipas pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya. He can't even look at my face anymore.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
Ficción GeneralDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...