Chapter 47

8 0 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterFortySeven

Chapter Forty Seven

Halos dalawang linggo na rin ang nakakalipas nang dumating kami dito sa North Carolina. The first few days that we're here ay pareho kaming nahirapan mag-adjust ni Miguel, lalong-lalo na sa oras. Hindi katulad ni Clyde na parang wala lang sa kaniya dahil alam ko namang sanay siya sa timeline dito sa America. Ilang taon ba naman siyang nanirahan dito.


Pinalibot ko ang tingin sa kabuoan ng sala sa apartment na tinutuluyan namin. Dalawang palapag ito at may dalawang kwarto sa taas at isang kwarto dito sa baba. Hindi na kami nahirapang tatlo sa pag-aayos dito sa apartment dahil kumpleto na ang mga gamit nang dumating kami. Ang ginawa na lang talaga namin ay mag empake at ayusin ang mga gamit sa tutuluyan naming kwarto. Miguel volunteered to take the room downstair, habang kami naman ni Clyde ay doon sa dalawang kwarto sa itaas.


Pasalampak akong umupo sa couch sa sala dahil sa pagod na nararamdaman. Kakatapos ko lang maglinis at maglaba dahil weekend naman ngayon. Makalipas ang ilang minutong naka-upo lang ako sa sala ay napagdesisyunan ko nang kumain. Buti na lang at nagluto si Miguel kanina bago siya umalis.


Parehas silang wala ni Clyde ngayon. Inaya kasi sila ni Arc na sumama sa isang house party ng isa sa mga kaibigan nito. Inaaya rin nila ako pero hindi na ako sumama dahil hindi naman ako mahilig sa mga ganoon. Isa pa wala rin akong ganang uminom o magpakalasing.


Nang matapos akong kumain ay umakyat na ako agad sa kwarto ko para maligo. Nanlalagkit ako dahil sa pawis. After I take a bath ay tumawag ako kila mimi at papsy. It's been decided and agreed upon na every weekend, I should call and report to them kung ano ang ginawa ko buong linggo.


"Dhale! I miss you anak, kailan uwi niyo?" Bungad ni mimi ng sagutin niya ang video call ko. Natawa naman ako dahil simula last week nung unang tawag ko sa kanila ay ganito na lagi ang bungad niya sa akin.


"Hindi na ako uuwi diyan mi, 'di ba pinadala mo na sakin lahat ng gamit ko?" Pang-aasar ko sa kaniya.


Tinawanan niya lang ang sagot ko at tinawag si Papsy para maka-usap ko rin. We spent an hour talking to each other bago ako nag paalam sa kanila at binaba ang tawag. I looked at the clock and it's only 12:30 p.m., mahaba pa ang araw at bukas pa malamang uuwi 'yung dalawa.


I searched on tourist spots that I can visit here para lang mapalipas ang oras. I took this a chance to travel and be familiar with places here. Ayoko naman sayangin yung mga araw na nandito ako na nakakulong lang dito sa apartment at lalabas lang kapag kailangan na namin pumunta sa university.


Nang makakita na ng mga tourist spots na hindi naman kalayuan at katagalan ang biyahe ay agad na akong nagbihis at nag-ayos. I wear a beige tank top, and a beige high-waist jeans to partner my top. Then I also wear a black cardigan and a pair of white boots that has a one inch and half heels.


I opened my drawer and wear the silver necklace that Rusty gave to me. I smiled at the cute camera pendant it has. Ito yung regalo niya sa akin noong birthday ko, ilang beses ko lang itong nasuot tuwing may importante lang kaming pupuntahan. And now, I'm wearing it again.


Hindi ko alam kung bakit ko dala-dala ito pero masaya ako na ginawa ko. Because somehow, I don't feel alone. Na kahit magkahiwalay na kami at magkalayo, wearing this necklace makes me feel like he's just around. I smile sadly when I feel a pang of pain in my heart again.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon