#ThatOnePlaceChapterFortyTwo
Chapter Forty Two
Tinatamad kong inabot ang alarm clock ko ng mag-ingay ito. Tinatamad akong bumangon at ilang minuto munang tumulala sa kawalan. It's a new day but I feel like getting worse each passing day.
Ever since the day I broke up with Rusty, nawalan na ako ng ganang kumilos. I don't have the energy to do anything but I'm fighting it. I keep on forcing myself to focus, I can't let what I am feeling right now affects my studies. Kaya kahit tinatamad ay pinilit ko ang sarili ko na tumayo na at maghanda na para pumasok.
It's been two-weeks already. Dalawang linggo nang walang Rusty na pumupunta dito sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko ito nakakayanan. O kung nakakayanan ko nga ba? Siguro nasasanay na lang ako, pero hindi ko pa rin kayang hindi ko siya nakikita at nakakasama. Masakit pa rin.
"Oh, Dhanna, anak, sabay na tayong pumunta ng dining area para mag-agahan." Napahinto ako sa pagbaba ng makita ako ni Mimi. Ngumiti ako sa kaniya at saka tumango.
"Good morning, mi." Bati ko sa kaniya ng makababa ako. Yumakap din ako sa braso niya habang sabay kaming naglalakad papasok ng dining area. Nabungaran namin doon si Papsy na nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape.
"Good morning, papsy!" Bati ko rito at saka lumapit para halikan siya sa pisngi. Nag-angat naman siya ng tingin sa amin at agad na umaliwalas ang mukha niya ng makita kami.
"Good morning sa mga pinakamamahal ko." Bati niya pabalik sa amin. I sat on my usual seat which is in front of them. Napaingos na lang ako ng bigyan ng halik ni Papsy sa labi pagka-upo nito sa tabi niya.
"Aga-aga ang PDA niyo." Pabiro ko silang inirapan saka sumandok ng pagkain.
"Sus, inggit ka lang eh. Ayain mo si Rusty, hindi ka naman namin papagalitan." Pagbibiro ni mimi at sinabayan pa ito ng pagtawa.
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sinabi ni Mimi. I suddenly don't know how to react in front of them.
"Oh, speaking of RJ, hindi ko na siya nakikitang sinusundo at hinahatid ka Dhanna, may problema ba kayo?" Tanong ni papsy habang nilalagyan ng pagkain ang plato ni mimi.
I secretly gulp the lump in my throat. I suddenly felt uneasy and uncomfortable. Hindi ako sanay na magsinungaling sa kanila, but I still don't have the courage to admit to them that we already broke up. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, kaya nga hangga't kaya ko na itago muna sa kanila 'to ay gagawin ko.
"Uh..." I gulped once again, my hands are shaking and fidgeting under the table, but I manage to make myself calm as my façade. "He's busy papsy. We're working on our thesis and other major projects kaya sa school na lang kami nagkikita." Sagot ko sa tanong niya.
Well, I'm still not lying. Totoo naman na busy si Rusty – pareho kaming busy dahil sa mga requirements namin at totoo rin naman na sa school na lang kami nagkikita. I just omitted and didn't tell them that we're done.
"Ganoon ba, dapat kahit gaano kayo ka busy, hindi kayo mawalan ng oras sa isa't isa." Saad ni papsy at nginitian ako. I awkwardly smile at him and nodded my head. Hindi na ako sumagot pa pabalik dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan namin.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
Художественная прозаDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...