Chapter 27

16 1 0
                                    

#ThatOnePlaceChapterTwentySeven

Chapter Twenty Seven

"Amiga, ang gwapo nang dalawa mong apo." Narinig kong saad ni mamu. Nandito na kami ngayon sa isang sikat na beach resort dito sa Cebu.


Nasa may dalampasigan na sila Kuya Dan at Kuya Kevin habang inaalalayang magtampisaw sa dagat sila Luke at Aidan. Habang sila Ate Mirch at Ate Dianne naman ay busy sa pagkuha ng litrato sa mga ito.


Hindi pa kami naliligo ni Rusty dahil mataas pa ang sikat ng araw kaya nandito pa rin kami sa cottage kasama sila mimi at mamu Gemma.


"Kaya nga mare, antayin natin 'tong kila Dhale at Rusty. For sure madadagdagan ang gwapo dito sa mundo." Narinig kong sagot ni mimi kay mamu Gemma.


Naibuga ko ang iniinom kong juice at halos hindi na ako makahinga dahil nabilaukan ako dahil sa narinig ko. Agad namang kumuha ng tissue si Rusty Jay na nasa ibabaw lang ng lamesa namin at pinunasan ang bibig at hita ko.


Narinig ko ang malakas na tawa nila mimi at mamu Gemma habang hinahagod din ni Rusty Jay ang likod ko dahil ubo pa rin ako nang ubo. Sobrang hapdi ng dalawang butas ng ilong ko dahil sa lumabas din doon yung juice.


"Nabulunan tuloy si Dhanna dahil sa pinag-uusapan natin mare." Natatawang saad pa rin ni mamu Gemma. "Don't worry mga anak, hindi namin kayo pine-pressure." Saad niya sa aming dalawa ni Rusty Jay.


Nagkatinginan kaming dalawa at napansin ko na gaya ko ay pulang-pula na rin ang buong mukha niya dahil sa hiya. Napaiwas na lang din ako ng tingin sa kaniya at ibinalik ang tuon ko sa iPad na nasa harap namin at pilit na iniintindi ulit ang pinapanood namin.


"Willing to wait kami, basta wag niyo lang masyadong tagalan ha." Dagdag naman ni mimi.


"Mimi!" I hissed and pouted my lips to show that I am not comfortable anymore sa usapan.


Hindi ko alam kung bakit sobrang advance nila mag-isip. They are already foreseeing and anticipating my future wedding and family. Samantalang ako ni hindi pa nga iyang sumasagi sa isip ko kahit noong nililigawan pa lang ako ni Rusty.


I know, we should date to marry, but that's not the case for me. I want to date Rusty, because I want to feel how to fall in love with him. I want to date to be happy. Ayoko naman na habang nasa isang relasyon kami ni Rusty ay maubos lang kami dahil masyado naming iniisip yung mga bagay na hindi pa naman namin dapat pinagtutuonan ng pansin – gaya ng kasal.


I don't want to be burdened by the pressure because all I think all throughout this relationship is to get married. Sobra-sobra na yung assurance na binibigay sa akin ni Rusty na ako ang gusto niyang mapangasawa kaya naman gusto kong enjoyin itong mga panahon na hindi pa masyadong mabigat ang responsibilidad na mayroon sa relasyon naming dalawa.


Mimi and mamu Gemma already dismiss the topic and changed it kaya naman kahit papaano ay kumalma na ako. Napasandal ako sa balikat ni Rusty habang lumilipad pa rin ang isip sa naging usapan ng mga nanay namin.

That One Place (TALA SERYE#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon