#ThatOnePlaceChapterThirtyOne
Chapter Thirty One
Nang makarating kami sa mall ay mabilis lang ang ginawa naming pamimili. We splitted the grocery list para mas mabilis. When we go to the counter ay nag-ambagan kami para sa pagbabayad.
We were now heading back to the parking lot with one big pushcart kung saan nakalagay yung mga pinamili namin. Rusty, Migs and Janssen put all of it on the back compartment habang kami namang mga babae ay inantay lang na matapos sila doon.
Nang matapos ay saka kami sabay-sabay na pumasok sa loob ng sasakyan. Rusty revved the engine and maneuvered the car out of the mall's parking area. I just opened the stereo and played random songs on Rusty Spotify playlist habang nasa biyahe kami.
"Doon na ba tayo magkikita-kita bukas sa Tags?" Tanong ni Janssen kapagkuwan.
"What if dumiretso na tayo doon ngayon?" Tanong naman ni Rusty.
"Gago, wala pa kaming dalang damit." Sagot naman ni Hannahrie. Pati si Luhan at Migs ay tumango.
"Daan tayo sa mga bahay niyo, I don't mind driving naman. Para mas masulit natin yung oras." Saad muli ni Rusty.
"Okay lang sa akin, di ako tatanggi." Migs said and chuckled.
At dahil um-okay na si Migs sa suhestiyon ni Rusty ay sumang-ayon na rin yung iba. Inuna naming puntahan yung bahay nila Luhan. Nang makarating doon ay hindi na kami nag-atubili pang bumaba dahil sabi niya ay mabilis lang siya dahil kukunin na lang naman niya yung gamit niya dahil nakapag-ayos na raw siya kagabi pa.
After 20 minutes we saw her running towards our direction with her backpack. Iba na 'to sa backpack na ginagamit niya sa pagpasok sa school. Humihingal na binuksan niya ang pinto ng backseat at sumakay roon. Umurong si Miguel para makaupo si Luhan.
"Tara na." Saad nito habang habol-habol pa rin ang hininga niya. Dahil bukas ang ilaw ng sasakyan ay kitang-kita namin ang pamumula ng pisngi niya.
"Anong nangyari?" Nag-aaalalang tanong ni Miguel. Pero imbes na sagutin ang tanong ni Miguel ay tumuon ang tingin ni Luhan sa labas at doon ay nakita namin ang isang lalaki na naglalakad papunta sa direksyon namin.
Luhan looked horrified as she asked Rusty to drive already. Agad namang sumunod si Rusty at pinaandar ang sasakyan. Nalagpasan namin ang lalaki na sa tingin ko ay ang ama ni Luhan. Narinig namin ang pagkawala ng isang malalim na buntong-hininga mula kay Luhan. Maya-maya pa ay narinig na rin namin ang pagbagsak ng luha niya at ang mahina niyang hikbi.
"Shhh, hush down now love. We're here for you." Pag-aalo ni Hannahrie dito. I looked back at them and reached for Luhan's hand.
"S-sorry." She uttered as she wiped her tears away.
"It's okay. You know that you can vent out on us anytime," I said to her as I caressed her other hand. "Iiyak mo lang 'yan. You don't have to tell us what happened if you're not comfortable talking about it, okay?" I added. She just nodded and silently wiped her tears.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
General FictionDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...