#ThatOnePlaceChapterTwelve
Chapter Twelve
Days passes by so fast that you barely even notice it. Katulad ngayon, we're now done with the 2 months of our term. Parang noong nakaraan lang ay August lang – orientation pa lang, pero ngayon nasa Ber months na agad.
At dahil October na, isa lang ibig sabihin non, malapit na ang exams namin. We're now inside our classroom and waiting for our professor to arrive, last subject na rin namin. As usual maingay na naman sa classroom namin dahil may kaniya-kaniyang usapan.
"Lapit na midterm exams natin. Parang lalagnatin ako." Sabi ni Hannahrie habang nakain ng gummy bears.
"Same." Janssen and Miguel said in unison. Natawa naman kaming tatlo nila Rusty Jay at Luhan dahil sa sentimiyento ng tatlo naming kaibigan.
Janssen scoffed on the three of us. "Yabang niyong tatlo." Saad pa nito.
"Bakit parang kasalanan ko? Bakit parang kasalanan ko pa?" Madramang saad naman ni Rusty Jay at ginaya pa ang line ni Bobbie sa The Four Sisters and a Wedding.
"Sige para di mo kasalanan pakopyahin mo na lang ako sa exam." Suhestiyon ni Janssen na siya namang kinatawa nila ni Miguel. Nailing na lang kaming tatlong kababaihan dahil sa kalokohang naisip ng mga kasama namin.
After 15 minutes ay dumating na rin ang professor namin at nagsimula na itong mag lecture. "Our midterms will happen on the last week of the month. Meaning mae-enjoy niyo ang inyong Undas break." Prof. Clarisse told us. Siya ang prof namin sa Reading in Philippine History.
Pagkatapos sabihin ito ay agad din namang nag dismiss ng klase si Prof. Clarisse. At dahil last subject na ay nagka-ayaan na naman kami na kumain muna bago umuwi. Nag convoy lang ulit si Rusty Jay at Miguel, at katulad ng laging gawi ay kay Rusty Jay ako sumasabay kasama si Janssen.
Napagdesisyunan namin na pumunta ng Intramuros since it's only 4 p.m. at doon na rin namin naisipan na maghanap ng kakainan. Rusty Jay and Miguel parked the car and then we decided to stroll around first.
"Sana all may ka-holding hands." Malakas na saad ni Hannahrie habang nakatingin sa mga couple na nakakasabay namin.
"Sana all may jowa!" Sigaw naman ni Miguel at nagtawanan kami. Pati ang ibang nakakasabay at nakakasalubong namin ay natawa rin ng marinig ang sinabi ni Miguel.
"Tara by pair na lang. Hannahrie, tayo na partner." Sabi naman ni Janssen. Hannahrie looked at him with her poker face.
"Tawagan mo jowa mo, wag ako ang guluhin mo." Seryosong saad ni Hannahrie at nauna ng maglakad sa amin. Agad naman siyang sinundan ni Luhan.
"Ang gago mo banda don pre." Sabi lang ni Miguel kay Janssen saka sinundan ang dalawa naming kaibigan na halos isang metro na ang layo sa amin.
Nakita kong malungkot na lang na napailing si Janssen saka naglakad na rin para sundan sila Miguel. Naiwan kami ni Rusty Jay sa bandang hulian dahil hindi naman namin binilisan ang lakad namin.
BINABASA MO ANG
That One Place (TALA SERYE#1)
Ficción GeneralDhanna Alexandria Verturo grew up witnessing how her parents love each other so much. Sabi ng mga ito ay first love nila ang isa't isa, and that first love never dies. Since her parents are the proof of that phrase, she also believes in it. She want...