PROLOGUE

985 27 2
                                    

*baby's crying*

"Astrid ano ang gagawin natin? Ayaw na tumigil ng anak ko kakaiyak." Nag aalalang tanong ni Mang Andoy.

"Wag kayong mag alala Mang Andoy, walang mangyayari sa anak ninyo." Sagot ko. Tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ang bintana ng kanilang bahay

Malakas na ang naaamoy ko, Nasa malapit na siya. Sinara ko ulit ang bintana at Agad kong pinahiran ng langis ang tiyan ng bata.

Unti unti ng tumitigil sa pag iyak ang bata.

'Oras na para lumabas.

"Lalabas ako ng bahay kaya sigurudahin niyong maisara niyo ng mabuti ang pintuan." Paliwanag ko sa mag asawa at tumango naman sila bilang tugon

Hindi mahirap sakin ang maglakad sa gitna ng kadiliman, dahil gaya ng mga aswang nakakakita din ako kahit madilim at kagaya nila naaamoy ko rin sila, Nakakatakbo din ako ng mabilis kagaya nila.

Dahan dahan akong umikot sa likod ng bahay at sinusundan ko ang kanyang amoy. Hinanda ko na ang aking katana

"Ano kaya ang ginagawa dito ng isang aso sa gitna ng kadiliman." Saad ko na ikinagulat niya kaya agad siyang humarap sakin at sinugod ako.

Sa bilis ng pangyayari ay nabitawan ko ang katana at napahiga ako habang kinakagat niya ang naisangga kong braso

Pilit kong nilalabanan ang lakas niya, kaya pahirapan akong kumuha ng kutsilyo sa likod ko.

Agad ko siyang sinaksak ng mabunot ko ang kutsilyo, kaya napahiyaw siya sa sakit at agad na tumakas.

*dog's growls*

Mabilis naman akong bumangon at hinabol siya, Napatigil ako sa gitna ng kakahuyan ng di ko na siya makita

Pinapakiramdaman ko siya at pinapakinggan ko ang paligid dahil alam ko na nasa malapit lang siya dahil naaamoy ko pa siya.

Mabilis akong umilag ng bigla siyang tumalon papunta sakin, agad kong hinugot ang aking latigo at hinampas sa kanya.

*dog's growls*

*dog's growls*

Ungol niya habang namimilipit sa sakit ng pagkakahampas ko, bigla nalang siyang nagpalit ng anyo bilang ahas.

Sinako ko siya at dinala sa bahay tsaka kinulong sa ginawa kong bakal na kulungan

Hihintayin ko nalang na sumikat ang araw para makita ko ang mukha niya bilang tao. Hindi na ako natulog dahil malapit na rin naman mag umaga kaya binantayan ko nalang siya

Nakita ko ang pagpalit niya ng anyo bilang tao.

"Nagbabalatkayo sa araw bilang isang magandang dalaga pero isa ka palang huwad." Sabi ko sa kanya

Dito sa baryo namin hindi ka pwedeng magtiwala kung kani-kanino lalo na sa mga dayuhan, dahil sa likod ng mga maaamo nilang mukha ay may matutulis na pangil at matatalim na kuko ang nakatago sa likod ng kanilang pagkatao.

"Parang awa mo na Astrid wag mo akong patayin, hindi ko naman kakainin yung bata, napadaan lang ako sa oras na yun." sagot niya habang nagmamakaawa

Napatawa naman ako sa sinabi niya. Oo kilala niya ako dahil dito sa baryo namin walang hindi nakakilala sakin,kahit ang mga katulad nila

"Napadaan ka? Hahaha... E ano ginagawa mo dun sa bahay ni Mang Andoy? Nagliliwaliw? Hahaha." sagot ko habang tumatawa.

"Patawad Astrid pangako hindi ko na uulitin yun, hindi na ulit ako kakain ng tao." Sabi niya habang umiiyak. Pfftt!

Ang mga katulad nila hindi kinaawan dahil kapag naawa ka sa kanila, talo ka. Wag ka dapat magpapadala sa pagmamakaawa nila, dahil mga tuso sila, mapanlinlang.

Pilit ko siyang pinainom ng langis kaya unti unti siyang nagiging abo.

Ako si Astrid Eleanor at ito ang kwento ng pakikipaglaban ko laban sa mga kampon ng kadiliman, ang mga ASWANG.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon