CHAPTER 20

262 9 0
                                    

ALECX'S POV:

"Alam niyo sir parang mapupunit na 'yang bibig niyo sa kakangiti, kagabi pa kayo ganyan ah. Tapos mas lumapad pa 'yang ngiti niyo pagkatapos natin magbeach.. dahil ba 'yan kay Astrid sir? May nangyari ba? Kwentuhan niyo naman ako." sabi ng kakapasok lang na si Mariano.

"Wala!" bulyaw ko sa kanya. "Ano na pala ang update do'n sa pinaiimbistigahan ko sayo?" Pag iba ko ng topic.

Bigla itong nagseryoso. "Confirm sir may isiship sila mamaya na mga druga at dito sa lugar na ito dadaan ang truck nila." Sagot niya at tinuro sa mapa kung saan ang lugar na dadaanan ng mga sindikato.

"Sige, maglagay na agad kayo ng check point sa mga posibleng dadaanan nila malapit sa lugar na 'to." Sabi ko at agad naman siyang kumilos.

Naghanda na rin ako para sumama sa checkpoint.

'hindi ko hahayaan na makawala sila at sirain ang buhay ng mga kabataan.

———————

"Sir confirm, 'yan na ang truck na sinasabi ng intel natin." sabi ni Mariano.

"Men, maghanda kayo!" sabi ko at lumapit sa kotse na kasunod ng truck.

"Chief anong meron?" tanong ng lalaking nasa backseat.

"Konting inspection lang sir, pwede niyo ba buksan ang likod ng truck." sabi ko.

"Pero sir mga sardinas lang 'yan at kompleto ang papeles namin." sabi nito at bumaba ng Van tsaka pinakita sa'kin ang papeles nila.

"Hindi ko kailangan ang papeles niyo sir, paki buksan na.lang ang likod ng truck." Sabi ko at sininyasan si Mariano na pabuksan sa driver ng truck ang likod nito.

Pagbukas nito ay agad akong lumapit at pinabuksan isa-isa kay Mariano ang delata.

"Sir Confirm!" sigaw ni Mariano kaya agad kaming binakbakan ng putok ng mga ito mabuti na lang at mabilis kong nahila ang lalaking kasama nila at ito ang ginawa kong panangga kaya lahat ng bala dito napunta.

Agad kaming nakipag palitan ng putok sa kanila.

*Bang bang bang*

*Bang bang bang*

Matapos ng mahabang putukan ay napatay namin silang lahat. Marami din ang namatay at nasugatan sa mga kasamahan ko.

"Sa susunod Esqueto sabihin mo sa'kin kung may operasyon kayo, hindi 'yong basta-basta na lang kayo magdedesisyon na hindi pinapaalam sa'kin! Alam mo ba kung ilan sa mga kasamahan mo ang nalagas dahil diyan sa pagmamadali mo!" Sermon sa'kin ni Major.

"Sir kung ipapaalam pa namin sa inyo at kung hindi agad kami aaksyon mas maraming buhay ang masisira dahil sa milyon milyong druga na 'yon." paliwanag ko.

Sa klasi ng trabaho namin alam na namin na delikado ang bawat ginagawa namin at alam namin na kailangan magbuwis ng buhay para makapagligtas ng maraming buhay.

"Wag na wag kang sasagot kapag nagsasalita ako!" bulyaw nito, halata sa kanya na galit na galit siya dahil lumalabas na ang ugat niya sa leeg. Hindi ko talaga siya maintindihan kahit kailan, dahil sa tuwing may nilalakad ako o may operasyon kami tungkol sa druga ay galit na galit talaga siya.

Ayaw ko sanang isipin na isa siya sa mga protector ng drug syndicate pero masyado na siyang halata.

"Sumasakit ang ulo ko sayo, get out!" dugtong niya.

"Sir!" Saludo ko at agad na lumabas.

"Sir sinabon ka na naman ano?" tanong ni Mariano na naghihintay dito sa labas ng opisina ni Major.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon