ASTRID'S POV:
"ABEL DUN KA!" sigaw ko kay Abel habang hinahabol namin ang isang aswang.
Pinalihis ko siya ng dadaanan. Ako ang humabol at siya naman ay sa kabilang daan kung saan patungo ang aswang.
May dala siyang sulo dahil masyadong madilim ang paligid kaya hindi niya makita ang mga ito.
Napatigil ako ng tumigil ang aswang sa kalagitnaan dahil naghihintay na pala si Abel sa dulo nitong daan. Nakita kong may aswang na papasugod sa likuran ni Abel.
"ABEL SA LIKOD MO!" sigaw ko kaya agad siyang humarap dito.
Sinamantala naman ng isa ang pagkakataon at agad na tumakbo papunta kay Abel kaya hinabol ko siya at ng malapit na ako sa kanya ay tumalon ako at tinaga ang leeg nito.
Pagtingin ko kay Abel napatay niya na rin ang isa. Nagkatinginan kami nang may biglang sumigaw.
"AAHHHHH TULONG! TULUNGAN NIYO AKO MAY ASWANGGGG!" boses ng isang babae.
"Do'n." turo ko sa di kalayuan, kaya agad naming pinuntahan.
"HOY! PANGIT NA ASWANG KAMI ANG HARAPIN MO!" sigaw ni Abel habang naka talikod sa amin ang aswang, Napaapir naman ako sa kanya.
"Ayos yo'n ah hahaha." sabi ko sabay tawa.
Humarap ito sa amin at agad na sumugod kaya sinalubong namin siya.
Habang tumatakbo ito ay nilabas nito ang pagkahaba haba niyang dila, hinahampas nito sa amin kaya panay naman ang ilag namin.
Sabay kaming napatingala sa taas ng may isang manananggal ang lumilipad lipad. Tinuro ko sa kanya na akin ang taas at sa kanya naman itong nasa baba.
Habang nakikipaglaban siya sa mahaba ang dila kinuha ko ang pagkakataon na umakyat sa bubong ng isang bahay.
"HALIKA DITO!" sigaw ko sa manananggal, agad naman itong lumapit sa'kin at naglaban kami sa taas, hindi ko siya maabot ng aking katana dahil sa mabilis siyang pumaibabaw kaya hinablot ko na ang aking latigo at agad siyang hinampas nito. Sapul!
Bumagsak siya dito sa bubong, susubukan niya pa sanang lumipad ulit pero tinapakan ko ang pakpak nito at walang ano-ano ay binuhusan ko siya ng langis sa bibig niya kaya naging abo siya.
"Hindi ka pa ba tapos diyan Abel?" Walang gana kong tanong sa kanya habang nakikipaglaban pa rin sa aswang na mahaba ang dila, umupo muna ako sa bubungan.
"T-tulungan m-mo kaya muna ako dito." Hindi siya makapagsalita ng maayos dahil panay ang sugod nito sa kanya.
Nakita kong nilabas na naman nito ang mahaba niyang dila kaya tumalon ako at tamang tama ang binagsakan ko ay malapit sa kanya kaya naputol ko ang dila nito na labis niyang dinaing.
"Tapusin na natin to, pagod na ako." sabi ko kay Abel na ikatango niya, sabay kaming sumugod dito at sabay din namin itong tinaga, siya sa leeg ako sa katawan.
Ilang buwan na rin ang nakalipas simula ng maging magkasangga kami, sa ilang buwan na 'yon wala kaming ibang ginawa kundi ang tumugis ng mga aswang.
~FASTFORWARD~
Nandito ako ngayon sa kapilya dahil may gustong sabihin ang mga taga baryo sa'kin.
"Astrid nagpapasalamat kami dahil nandiyan ka na patuloy na pumoprotekta sa amin." Panimula ni mang Andoy.
"Oo nga Astrid, kaya gusto sana namin sabihin na simula ngayon hindi na kami matatakot, lalaban na kami." Sunod naman na sabi ni mang Isko.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.