CHAPTER 6

213 5 0
                                    


ASTRID'S POV:

"Nakakatakot na talaga ang mundo, lumalaganap na ang mga aswang.....akala ko ba naubos niyo na sila do'n sa baryo niyo?" Jason asked.

"Yon din ang akala namin. Pero parang hindi man lang sila nabawasan sa dami pa rin nila."

Simula nang kidnapin ng mga aswang si Jacob, hindi na namin inalis ang mga mata namin sa kanya. Nag day off muna si Abel sa trabaho niya para mabantayan si Jacob dahil marami pa akong inaasikaso na kaso.

I'm here at my desk doing some paper works for my invistigation.

"Hindi ba kayo natatakot sa pag-kidnap nila kay Jacob, sa tingin ko warning nila 'yon sa inyo....baka gusto ng mga aswang na 'yon iparating sa inyo na nasa paligid lang sila at pinagmamasdan ang bawat galaw niyo." napatigil ako sa ginagawa ko, he's right. Nagsisimula na akong matakot unlike before no'ng hindi pa dumadating sa'min si Jacob.

Nag-punta kami dito para tugisin ang mga aswang pero mukhang bumaliktad ang mundo dahil alam nila ang bawat kilos namin habang kami walang alam sa bawat kilos nila.

Mahirap na silang ma-identify ngayon dahil hindi ko na naaamoy sa kanila ang langis na ginagamit nila, parang mga ordinaryong tao talaga sila. Kung hindi sila mag-transform bilang aswang hindi mo malalaman.

"Syempre natatakot pero hindi ibig sabihin no'n na titigil na ako sa pagtugis sa kanila. At syempre hindi lang kami ni Abel dahil kasama na kayo, ang buong kapulisan sa pagtugis sa kanila." sagot ko at tinuloy na ulit ang pagbabasa ng criminal records.

"Tama ka naman diyan, pero maiba tayo..... Akala ko talaga kaya sumama sayo si Alecx ay dahil do'n na kayo mamumuhay bilang mag asawa, laking gulat ko na may asawa ka na pala." what's wrong with this guy?

"Sayang ang sakripisyo ni Alecx, namatay pa siya na broken hearted." tinigil ko na naman ang ginagawa ko at this time tiningnan ko ito ng masama.

"Wala ka bang gagawin? Bumalik ka nga do'n sa opisina mo SIR." sabi ko at diniinan ang salitang sir.

Ngumiti ito at umalis na kaya pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Kahit kailan talaga hindi marunong mag-seryoso ang taong 'yon.


Dahil sa ginawang pang-iistorbo niya, nawala na ako sa focus sa ginagawa ko. Kailangan ko magpa-hangin, tumayo ako at pumunta sa opisina nito.

"Sir, magpa-patrol lang ako." paalam ko.

"Sama ako."

"Wag na." sinarado ko na agad ang pintuan para hindi na siya mag-pumilit pa.

Habang nagma-maneho, occupied ang isip ko kaya hindi ko namalayan na nasa harap na pala ako ng AC company.

"What am i doing here?" aalis na sana ako pero since nandito na rin naman ako naisip ko na pumasok sa parking lot sa basement area para matingnan ko kung nando'n pa rin ang secret room.

Pag-park ko ng patrol car, pumunta na ako sa pintuan kung saan ang secret room dati.

"Ma'am saan kayo pupunta? Bawal po kayo diyan." pigil sa'kin ng security guard nang bubuksan ko na sana ang pintuan.

"Uhmm...aakyat ako sa taas, bawal ba dito dumaan?" pagda-dahilan na tanong ko.

"Hindi po dito ang daan, ayon po ang elevator papunta sa ground floor." turo nito sa sliding door.

"Hindi ako mag-e-elevator, magha-hagdan ako." pagsisinungaling ko pa.

"Nando'n din ang hagdan ma'am....storage 'yan ma'am kaya bawal kayo diyan." saad nito. Tumango-tango ako at umalis na.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon