CHAPTER 13

189 4 4
                                    


STILL HER POV:

"Kamusta kana Astrid? Don't you remember me?" napaisip ako sa sinabi niya at tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. At ngayon naalala ko na kung sino siya.

"Buhay ka pa pala? Akala ko na litson ka na rin kasama ng panginoon mo." sabi ko. Siya ang nakalaban ko noon sa baryo na nag-palit ng anyo bilang ibon noong nahulog kami sa bangin.

Natawa ito sa sinabi ko. "Hahaha... Hindi naman nakakatawa ang sinabi mo pero natatawa ako." bumalik naman agad ang mukha nito sa pagiging seryoso. "Yes I'm still alive. Natalo mo man ang panginoon namin, pero malapit na ulit siyang mabuhay dahil malapit na rin magbukas ang pintuan ng kaharian namin."

Ngayon nasagot na ang mga katanunga ko. Siya ang namumuno sa mga aswang. Siya ang hinahanap ko.

"Na siyang hindi ko hahayaang mangyari. Dahil dito pa lang papatayin ko na kayo at isusunod ko ang mga kalahi niyo!" napaharap ako sa likuran ko at mabilis na tinaga ang aswang. Kanina ko pa siya nararamdaman na lumalapit sa'kin.

Susugod na naman sana ako ng magsalita ulit siya na ikinatigil ko.

"Sigurado ka ba na may oras ka para labanan kami kung hindi mo alam kung nasaan ang mag-ama mo at ang mga pinakamamahal mo na mga tao sa baryo niyo?" mas lalo ako nakaramdam ng kaba dahil sa sinabi niya.

"Ano ang ginawa niyo sa kanila? Nasaan sila?!" sigaw ko.

"Wala pa naman pero nakasalalay sayo ang buhay nila." may pinalapit siya sa'kin na tatlong aswang. "Kapag natalo mo sila, makikita mo silang lahat."

"Kapag ginalaw niyo ang isa sa kanila, sisiguraduhin ko na pagsisisihan niyo na hindi pa kayo namatay kasama ng panginoon niyo!" sigaw ko at sinugod na ang tatlo. Kakaiba na ang lakas at bilis ng mga ito. Para ako nakikipaglaban sa hangin na kahit anong gawin ko hindi ko ang mga ito matamaan.

Napaliyad ako ng maramdaman ko ang malakas na hangin na tatama sa'kin. Napatambling-tambling ako para iwasan ang matutulis at matatalim nilang kuko. Nakahanap ako ng tyempo kaya ako naman ang sumugod pero hindi ko pa rin sila natatamaan.

"Aahh!" daing ko nang bumaon sa likod ko ang mga kuko ng isa sa kanila.   Hindi patas lumaban ang mga ito. Baka ito na ang magiging katapusan ko.

'Tatang ikaw na ang bahala sa'kin.'

"Tapusin niyo na 'yan, naiinip na ako." sabi ng pangit na leader nila.

Pinasok ko ang kaliwang kamay ko sa bulsa ko at hinawakan ang langis. Tsaka ako pumukit, pinapakiramdam ko kung saan ang pwesto nila. Nilabas ko na ang langis at isinaboy sa kawalan, napadaing ang isang aswang kaya agad ko itong sinaksak na tumagos sa katawan niya. Pag-bunot ko ng katana ko sinigundahan ko pa ito ng isang taga.

"Aahh!" daing ko ulit ng matamaan ako ng dalawang aswang sa bente at braso ko dahilan para mapaluhod ako.

"Accept it Astrid na wala ka na magagawa para pigilan kami." nakangising sabi nito at lumapit sa'kin. Umupo ito para pantayan ako. At nilabas nito ang mahaba niyang kuko at kinalmot ako sa leeg. Napahiga na lang ako dahil nawalan na ako ng lakas, pati ang katana ko ay nabitawan ko na rin. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa leeg ko dahil sa lakas ng pag-agos ng dugo mula rito.

"Masarap sana 'yang dugo mo, kaso marami na kaming pwedeng pagkuhanan na mas masarap diyan." sabi nito at inamoy pa ang dugo ko na nasa daliri niya. Hindi nito tinikman dahil alam niyang mamamatay siya kapag natikman niya ito.


Dahan-dahan kong binunot ang baril na ikinatawa nito. "Papatayin mo ako gamit niyan? Hahaha. Matatamaan mo kaya ako?"

Dahil sa nanghihina na ako at di na makapag-salita kinasa ko na lang ang baril at tinututok ito sa kanya. Pero, nilihis ko ang baril sa ibang direksyon kung saan ang oxygen tank at saka ko pinaputok. Binaril ko 'yon ng tatlong beses bago sumabog. Nakalikha 'yon ng sunog, kaya bumuhos ang tubig mula sa bubong.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon