Someone's Pov:
Bumaba ako ng bayan para ibenta ang mga nahuli kong karne ng baboy ramo.
Habang pauwi na may nakita ako isang batang lalaki na naglalaro ng bola, pero 'yong bola ay nabitawan niya at gumulong papuntang kalsada.
'Yong nanay nito ay abala sa pakikipag usap kaya di niya napansin na ang anak niya ay naglalakad na papunta sa gitna ng kalsada.
Nakita ko na may paparating na sasakyan kaya agad ko itong tinakbo para maitabi.
Nakuha ko ang pansin ng mga tao at ng nanay nito dahil bigla itong umiyak.
"LAYUAN MO ANG ANAK KO, ASWANG KA!" sigaw ng nanay ng bata at agad na kinuha ang anak niya. "TULONG INATAKE NG ASWANG ANG ANAK KO!"
Agad naman nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao papunta sa'kin, may mga hawak silang mga bato.
"batuhin niyo, batuhin niyo." rinig ko na sabi ng isang lalaki.
Pinagbabato nila ako kaya napagapang na lang ako papuntang bangketa. Hindi pa rin sila tumigil kaya dinilatan ko sila ng mata at tiningnan ng masama pagkatapos ay kunwari ay susugurin ko sila, kaya nagsitakbuhan sila dahil sa takot.
Pero agad din akong tumayo at mabilis na tumakbo ng matanaw ko ang mga kalalakihan na paparating na may mga dalang bakal na tubo.
Ang akala ko hindi na nila ako susundan pero mali pala ako, dahil kahit nakarating na ako sa kakahuyan ay humahabol pa rin sila.
Umakyat ako sa punongkahoy gamit ang baging para makita ko bawat kilos nila. Sampu pala silang lahat.
"Sigurado ba kayo na papasukin talaga natin 'tong gubat para hanapin ang aswang na 'yon?" tanong ng isa sa mga kasamahan niya.
"Oo nga hindi natin kabisado ang kakahuyan na 'to." pag sang ayon naman ng isa.
"Tuloy na natin 'to, nandito na rin naman tayo hanapin na natin siya para kahit papano ay mabawasan ang mga aswang dito sa lugar natin." saad naman ng isa.
'Mga taong mapanghusga, Ganito lang ang hitsura ko aswang na agad. Mga ugali nila sobra pa sa mga aswang.
Nagpatuloy sila sa paglalakad, natanaw ko na maaapakan ng isa sa kanila ang patibong na nilagay ko.
"Aaahhhh! TULONG! TULUNGAN NIYO AKO DITO!" sigaw ng lalaking nakaapak sa baging kaya nabitay siya patiwarik. Natawa nalang ako.
'Bagay yan sa inyo, hindi kasi kayo dapat pumapasok sa teritoryo ko.' sabi ko sa isip ko.
Hirap nilang pinagtulungan na maibaba ang kasamahan nila. Bumaba naman ako sa kahoy at nagtago sa damuhan.
Pagkatapos nilang maibaba ang kasama nila ay gumawa ako ng kaluskos para takutin sila.
"Naririnig niyo 'yon?" tanong ng isa.
"Oo nga, ano 'yon?" sambit naman ng isa.
"Doon galing... Tingnan niyo." Sabi naman ng isa at tinuro ang pinanggalingan ko.
Pinuntahan nila ito, pero wala silang nakita. Gumawa na naman ako ng bagong kaluskos kaliwa't kanan tumatakbo ako ng mabilis.
Nakita ko sa mga mukha nila ang takot.
"Bumalik na lang kaya tayo, baka hindi tayo makalabas ng buhay dito at baka kung ano pa ang sumalubong sa atin dito." saad ng isa na sinang ayunan naman ng iba.
Patago ko pa rin silang sinundan hanggang sa nakalabas sila ng kakahuyan.
Pero bago pa sila makalayo lumabas ako sa pinagtataguan ko at sumigaw sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/286678892-288-k855250.jpg)
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.