STILL HER POV:
It's been 3 years since we left at our baryo.
Gaya ng napag-usapan namin ni Abel, tinuloy namin ang pagpunta dito sa Maynila.
Marami ang nangyari sa tatlong taon na paninirahan namin dito ni Abel.
Nag aral ako ng criminology kaya isa na akong policewoman ngayon. Spo1 Astrid Eleanor. Sino ang mag aakala na ang isang probisyana na naging model ay ngayon isa na ring pulis at hindi lang aswang ang habol ngayon kung di pati mga kriminal.
Si Abel naman ay nag apply as janitor sa AC company, yes it's still exist kahit wala na si Caleeb. Nag apply si Abel ng trabaho do'n to monitor the company. Naging tirahan na ng mga aswang noon ang kompanyang 'yon kaya hindi malabo na do'n pa rin sila nagtatago.
Nag ring ang phone ko kaya sinagot ko ito.
"Mahal nasaan ka na? Hinihintay ka na ni Jacob." it's Abel.
"Pasensya ka na mahal may biglaang operation kami pero hintayin niyo ako, pauwi na ako." sagot ko at pinatay na ang tawag.
Yes! May anak na kami, his name is Jacob and he is a 2 years old now.
Hindi namin siya totoong anak, napulot lang namin siya kaya inampon na namin, since hindi pa naman ako nabubuntis.
Birthday niya ngayon. Ang araw kung kailan namin siya napulot 'yon na rin ang ginawa naming birthday niya.
"Tigil!" sigaw ko sa taong hinahabol ko.
Hindi ito tumigil kaya pinapaputukan ko ito pero syempre hindi ko tinamaan dahil sa taas ako nagpaputok.
Tumigil ito pero tumakbo din ulit. He give me no choice.
Tinutok ko ang baril ko sa paa nito habang tumatakbo siya at no'ng nakahanap ako ng tyempo kinalabit ko na ang gatilyo, hindi naman ako nabigo dahil natamaan ko ang paa nito kaya nadapa ito.
This man is a holdaper, marami na ang report tungkol sa lalaking 'to at ilang araw na rin namin ito minamanmanan and luckily we got him this time.
Naglakad ako palapit dito at pinusasan ko na ito sa likuran. "I told you na wag kang tatakbo, 'yan tuloy napala mo." sabi ko dahil dumadaing ito sa sakit ng tama niya.
"Great job, Astrid." sabi ni Sarhento Mariano na biglang sumulpot kung saan.
Spo³ Jason Mariano is now a Sergeant and i am part of his team.
Sa kanya ako humingi ng tulong no'ng nagdesisyun ako na mag-aral ng criminology.
"Thank you sir."
"Bilisan na natin, hinihintay na tayo ng inaanak mo." ani ko.
"Oo nga pala." tinulungan namin na makatayo itong lalaki saka dinala na sa station.
Sabay na kaming dalawa na nagpunta sa bahay at dumaan muna kami ng pastry shop para kunin ang inorder kong cake.
"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday Jacob." kanta naming tatlo.
Si Jason lang ang bisita namin dahil siya lang naman ang kakilala namin dito, to be exact ka-close namin. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang totoong pakay namin dito.
Sinabi ko sa kanya ang nangyari sa mag-iina kaya kasama na rin namin siya sa pagtugis sa mga aswang.
So far marami-rami na rin kaming napatay dito.
BINABASA MO ANG
ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]
HorrorASTRID ELEANOR is born to be a slayer, she chases the evil creatures called "aswang." She can smell, hear nor see them even in the dark.