CHAPTER 18

132 2 0
                                    

STILL HER POV:

Ang sinasabi ni Brenda na magiging isa rin sa kanila ang Pangulo ay hindi totoo dahil simula't sapul isa na siya sa kanila. Ang tagal na panahon ko hinanap ang aswang na 'to para pag-bayarin siya sa pag-patay niya sa mga magulang ko. Hindi ko aakalain na buhay pa pala ito at naging Pangulo pa ng bansa.

Naikuyom ko ang kamao ko at hindi ko namalayan na sinasakal ko na pala ito.

"Astrid!" sigaw ni Chief Espina. Hindi ko napansin na napapalibutan na pala ako ng mga bodyguard ng Pangulo at tinututukan na ako ng baril.

"Astrid, hindi ito ang pinag-usapan natin. Bitawan mo ang Pangulo!" galit na sigaw sa'kin ni Chief. Kahit sa sobrang galit ko nagawa kong ikalma ang sarili ko kaya binitawan ko ito.

Agad itong hinarangan ng mga bodyguard niya. Habang ang iba ay tinututukan pa rin ako ng baril.

"Mr. President, I'm sorry." natataranta na pag-hingi ng tawad ni Chief sa Pangulo.

"I-i-its o-kay." sabi nito habang inuubo pa. Sumenyas siya sa mga bodyguard niya na ibaba ang mga baril nila na agad naman sinunod ng mga ito. "I-i'm okay." sabi niya sabay lapit sa'kin.

"So, you're Astrid." aniya sabay lahad ng kamay. Tiningnan ko lang ang kamay niya pagkatapos binalik ko ang tingin ko sa mukha niya at saka nilibot ko ang panginin ko sa mga bodyguard niya. Nakuha niya naman siguro ang ibig kong sabihin dahil pinalabas niya ang mga ito.

"Sir, pwede ba na mag-usap muna kami na kaming dalawa lang?" pakiusap ko kay Chief.

Tumatanggi pa siya pero ang Pangulo na mismo ang nag-sabi sa kanya kaya wala na siyang nagawa kung di lumabas na lang. Sumunod ako sa pag-labas ni Chief at ni-lock ko ang pintuan.

"So, you're the legendary Astrid ang pumapatay sa mga aswang." napataas ang gilid ng labi ko dahil sa sinabi niya.

"At ikaw naman isang aswang na nagpapanggap na tao at naging Pangulo pa ng bansang ito. Hindi ko aakalain na ang pinoprotektahan ng mamamayan na Pangulo ay isa din pa lang kampon ng kadiliman." paikot-ikot kami ng lakad, ilang metro lang ang layo namin sa isa't isa dahil hindi naman gan'on kalaki itong function room ni Dr. Mendez.

Sa bawat ikot ko sinusundan ako nito, alam niya na anytime susugurin ko siya.

"Hindi ako ang kalaban mo dito Astrid. Infact, nandito ako para tulungan ka para mawala na ang mga aswang." saad niya.

I smiled with sarcasm. "Gusto mo sila mawala para ano? Para ikaw na lang ang matitira at maghahari-harian dito? Hindi ka bagay tawagin na Pangulo dahil isa kang huwad. Kung napaikot at napaniwala mo ang buong Pilipinas ako hindi. Kaya kahit ano pa ang sabihin mo kalaban ka at isasama kita sa pag-ubos sa kanila." sigaw ko sabay sugod sa kanya.

Nag-kukumahog na pumasok ang mga bodyguard niya. Kinakalampag ng mga ito ang pintuan habang sinisigaw ang pangalan ng Pangulo.

"Sa haba ng panahon, maiipaghiganti ko na rin ang mga magulang ko na pinatay mo!" puno ng galit na sabi ko habang nakakipagpalitan ako ng suntok sa kanya. Iba siya at mas mahina siya kumpara sa mga aswang na nakalaban ko.


"Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo Astrid dahil hindi pa ako nakakapatay ng tao. Napamahal na sa'kin ang mga ta—aaahhhh. Shit!" naibalibag ko siya kaya siya napasigaw.

"Kalokohan! Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Sinabi ko na sayo, wag ako. Hayop ka! Hanggang ngayon malinaw pa rin sa'kin ang mukha ng mga magulang ko na pinatay mo." diniinan ko ang pag-hawak ko sa dalawang kamay niya sa likuran at sinadsad ko siya sa pader.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon