CHAPTER 11

173 4 2
                                    


STILL HER POV:

Nandito ako ngayon sa laboratory ni dr. Mendez dahil pagkalabas ko ng bodega, sakto na tumawag ito. May ipapakita daw siya sa'kin sa personal kaya pumunta agad ako dito.

"Ano 'yong ipapakita mo sa'kin dra.?" tanong ko.

"Here. Take a look at this." may binigay siya sa'kin na papel. Clinical report.

"It is aswang, right?" tumango ako sa tanong niya. "Sinabi sa'kin ni sarhento Mariano ang about do'n sa tao na naging aswang, and he said na temporary lang naman daw but that's not the case."

"What do you mean?" tanong ko. Tiningnan ko ang papel na binigay niya pero hindi ko naman maintindihan ang nakasulat dito.

"Hindi siya temporary dahil hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang rabbit na in-inject-an ko ng dugo ng taong aswang. Sa unang dugo na binigay mo sa'kin compared to the second one, it's really different." anito. Ang dami talagang paliwanag nitong doctor na 'to, hindi na lang ako deretsuhin.

"Habang nasa police station siya, wala ba kayong ginawa sa kanya?" umiling-iling ako sa tanong nito dahil nasa loob lang naman ng interrogation room si Ashley no'ng nando'n siya.

"Anything na pinakain sa kanya or pinainom?" paninigurado nito. Nag isip pa ako sandali dahil wala talaga akong maalala. Dugo ko—wait.

Tama! Pagkatapos sipsipin ni Ashley ang dugo ko sa braso ko, bumalik siya sa normal.... Pero, impossible.

"You see. Ayon diyan sa report may nakahalong ibang dugo sa biktima na siyang kumain sa virus na nasa katawan niya. We can't identified the blood where it comes from but everything goes back to normal. 'Yon ang dahilan kung bakit bumalik sa normal ang biktima." paliwanag niya.

Dugo? Sa'kin ba o dugo ng pamilya niya? There is one way to find out.

"Nasaan ang rabbit na sinasabi mo doc?" ayaw ko magduda pero hindi rin impossible.

Kung nakakapatay ng aswang ang dugo ko, posibling pwede rin na makagamot sa tunay na tao.

"Here, come." she leads the way so i followed her.

Nakalagay sa isang aquarium na walang laman na tubig ang rabbit. May inutusan siya na maglagay ng daga sa loob, kaya pagkakita ng rabbit ay agad nitong sinunggaban ang daga.

"As you can see, hindi pa rin bumabik sa normal ang rabbit since na-infected ito." aniya.

Kinuha ko ang dagger sa bente ko at hiniwaan ko ang hintuturo ko.

"What are you doing Astrid?" nagtataka na tanong niya.

Pinasok ko ang hintuturo ko sa maliit na butas. Napapikit na lang ako ng makaramdam ako ng konting sakit mula sa pagkakagat ng rabbit.

Nang matantsa ko na nakainom na ito ng dugo ko ay tinanggal ko na ang daliri ko.

"Bakit mo pinakagatan ang daliri mo. Where not sure yet kung nakaka-infect ba—"

"It's okay doc, may gusto lang ako i-confirm." putol ko sa kanya.

After 2 minutes, pinalagyan ko ulit ng daga ang loob ng aquarium and as i was expected, it is indeed my blood. Bumalik na nga sa normal ang rabbit dahil hindi na nito pinansin ang daga.

"Look doctor! Hindi na namumula ang mga mata ng rabbit." saad ng assistant niyang doctor din.

"So it is your blood, right?" tukoy nito sa dugo na nakahalo sa dugo ni Ashley. "Let's get some test. Baka isa kang human antidote." dugtong pa nito at agad ako pinaupo saka kinuhanan ng dugo.

Ano ba talaga ang ginawa mo sa'kin tatang. Dapat ba ako matuwa o mangamba? I don't know if it is good thing or bad.

Normal pa ba ako? Tao pa nga ba ako?

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon