CHAPTER 6:

423 14 0
                                    


ABEL'S POV:

Tinutoo nga ni Astrid ang sinabi niyang hindi na siya pupunta dito, ilang araw na akong naghihintay sa kanya. Aaminin ko masaya ako sa pabalik balik niya dito, pero hindi ko lang maiwasan na magalit sa tuwing naaalala ko ang nakaraan ko.

Sa mga sinabi niya sa'kin napaisip ako, tama naman siya pwera lang do'n sa hari ng mga aswang dahil ilang beses na namin sinubukan noon ni tatang na hanapin ang kota nito pero kahit anino niya ay hindi namin nakita.

Si tatang ay isang ermetanyo at aking guro, Magkasama kami sa pakikipaglaban noon sa mga aswang pero humiwalay na ako sa kanya no'ng tinutulan niya ang pag iibigan namin ng asawa ko, dahil ayaw nito na mahati ang atensyon ko at maging kahinaan ko ang asawa ko.

Simula ng humilay ako sa kanya wala na akong balita kung nasaan na siya at kung buhay pa ba siya.

Sinubukan kong abalahin ang sarili ko para hindi na pumasok sa isip ko si Astrid pero tinatraidor yata ako ng isip ko dahil hindi pa rin siya mawala dito, kaya minabuti ko na puntahan na lang siya sa baryo nila.

Nagmasid lang ako sa paligid habang nagtatago dahil ayaw kong magpakita sa mga tao dito. Ilang oras na akong nandito pero hindi ko pa rin siya makita.

'Nasaan kaya siya.

Naisip kong umalis na lang sana pero natanaw ko siyang naglalakad kaya sinundan ko lang siya ng sinundan habang nagtatago pa rin.

"Sino ka? Bat mo ako sinusundan?" Saad niya. Nahalata niya yata na may sumusunod sa kanya.

Lumabas ako sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanya pero napaatras ako ng bigla niya na naman hinugot ang katana niya. Pero binalik niya rin naman agad ito sa likod niya ng makita niya ako.

'Ang bilis talaga ng kamay nito.

"Anong ginagawa mo dito? Diba ayaw mong magpakita sa mga tao? kaya bakit ka nandito?" Nagtataka niyang tanong at nagpalinga linga pa.

Hinila ko siya papasok ng bahay niya dahil ayaw kong may makakita sa akin, binuksan naman niya agad ang pintuan kaya pumasok na kami.

"O bakit ka nandito?" tanong niya ulit habang naka krus ang dalawang kamay sa dibdib.

"Napag isipan ko na ang alok mo." Nag aalinlangan na sagot ko. "Papayag na ako na maging magkasangga tayo, papayag na ako na tulungan ka na puksain ang mga aswang." dugtong ko.

"Talaga?" di  makapaniwalang sabi niya, tumango naman ako.

"Yehey!" sigaw niya at napayakap sa'kin kaya ako ay naistatwa sa kinatatayuan ko.

*Dug dug dug*

Tunog ng aking puso dahil sa kaba.

Kumalas na siya sa'kin ng mapagtanto niya ang kanyang ginawa.

"Pasensya na nadala lang ako sa aking nararamdaman dahil sa sinabi mo." Nakangiti niyang paghingi ng tawad.

"Papayag ka rin naman pala pinahirapan mo pa ako. Hindi mo ba alam na grabi ang hirap ko papunta sa bahay mo dahil sa mga patibong mo." mataray na sabi niya.

Napangiti na lang ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa'kin, kahit nagsusungit na siya ang ganda pa rin niya.

"Buhay ka pa naman di ba?" natatawa kong ani. Kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Iparanas ko kaya sayo ang mga dinanas ko do'n. Ano sa tingin mo?" saad niya.

"Pwede rin, tapos babawiin ko na ang sinabi ko na tutulungan kita laban sa mga aswang." Pagbibiro ko. Mukhang hindi tumalab sa kanya dahil mas lalo pang umasim ang mukha niya.

ASTRID ELEANOR: The Aswang Chronicles [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon